Away ng magkakapatid na Barretto lumala, Claudine pinagbintangan na nagkalat ng photo ng ‘anak’ daw ni Marjorie
Rosalinda L. Orosa (Pilipino Star Ngayon) - April 19, 2013 - 12:00am

MANILA, Philippines - Kahapon ay kumalat na naman ang kuwento tungkol sa sinasabing away ng magkakapatid na Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto sa Instagram.

Ang apela ni pinksweetiebabe (account name), bakit hindi raw lumaban si Claudine Barretto. “Sa totoo lang malakas laban mo sa mga kapatid mong de----- dahil hindi naman ikaw talaga yang binibintang sa iyo. Alam ng Diyos na hindi ikaw yun at lalong wala kang ginawa laban sa kanila. Grabe wala lang maituro talaga mga baliw yang mga kapatid mo! Grabe ngayon lang ako nakakita ng magkakadugo (Gretchen at Marjorie) na masahol pa sa (hindi puwedeng isulat). Ang kakapal ng mga mukha na ibintang sayo pati pagkalat ng pics ng anak niya kay Echiverri. Wala ka naman talagang kinalaman kaya lumaban ka. You don’t deserve this bullying from young classless sisters,” mahabang pahayag ng obviously ay tagapagtanggol ni Claudine. Pero hindi ito nagpakilala kung sino siya.

Several days ago nang unang may mag-tag tungkol sa pinagsimulan ng away daw ng magkakapatid.

Bina-bash daw si Julia na pinatulan nina Gretchen at Marjorie na ang inassume ng mga nakabasa ay si Claudine ang pinariringgan na may kagagawan. Hanggang kumalat nga raw ang isang photo ng isang bata na umano’y sinasabing anak ni Marjorie sa nali-link sa kanyang pulitiko. At ang pinagbibintangan daw ay ang kampo ni Claudine ang nagkalat.

Grabe nagiging masalimuot na ang mga kuwento sa magkakapatid.

Parang oras na para magsalita sila at iklaro ang mga bagay-bagay.

Sa part ni Gretchen sa kabila ng maraming speculation sa kanilang magkakapatid, concentrated siya sa kanyang yoga na lagi niyang ipino-post sa kanyang Instagram account.

Si Marjorie naman ay pawang mga anak niyang babae ang ipino-post.

Fans ni Ate Guy, tinarget na naman si Ate Vi

Wala pa ring kupas ang fans nina Gov. Vilma Santos at Nora Aunor.

Kahapon ay may mga nagte-text naman na Noranians dahil hindi nga napiling entry sa Cannes Film Festival ang indie film na ginawa ng gobernadora na ipapalabas sa Cinemalaya Film Festival.

Helloh parang ibang panahon na ngayon para maglaitan at mag-away ang fans nila. Kung ang mga idolo nga nila magkaibigan na.

Sana tigilan na. Laos na ang mga manlalait ngayon. Iilan na lang ang mga natitira. Hahaha.

 

 

 

ATE GUY ATE VI CANNES FILM FESTIVAL CINEMALAYA FILM FESTIVAL CLAUDINE CLAUDINE BARRETTO GRABE GRETCHEN INSTAGRAM
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with