Launching movie ni Empress iniatras muna!

PIK: Hindi na matutuloy sa March 30 ang showing ng indie film ni Empress Shuck na Bangungot.

Iniurong na ang showing nito sa April 17 dahil mas maraming sinehan daw silang makukuha.

Wala naman daw silang inaatrasang katapat na pelikula, pero pinayuhan daw silang iyun na ang mas magandang playdate.

Hindi naman daw sila natatakot sa mga katapat na malaking pelikula dahil ibang-iba raw ang Bangungot dahil all-out ang pagka-horror nito.

PAK: Simple lang ang selebrasyon ni Aljur Abrenica sa kanyang 23rd birthday nung nakaraang Linggo.

Nagkaroon lang siya ng get together sa mga fans pagkatapos ng inihandang birthday celebration ng Party Pilipinas.

Ayaw na raw ni Aljur na mag-wish sa kanyang kaarawan, at gusto na niyang magpasalamat sa lahat na blessings.

Ang isa sa magandang birthday gift sa sarili ay ang binili niyang bahay para sa pamilya.

Hindi pa nila ito nalilipatan dahil unti-unti pa niyang pinapaayos.

Bukod pa diyan si Kylie Padilla na nagbibigay sa kanya ng inspirasyon at nakasama niya sa bisperas ng kaarawan.

BOOM: Proud parents sina Sen. Bong Revilla at Cong. Lani Mercado nung nakaraang linggo dahil sa magkasunod na dinaluhan nila ang graduation ng dalawa nilang anak.

Nag-graduate si Inah Revilla-del Rosario ng Legal Management sa Ateneo de Manila at sa high school sa De La Salle Zobel naman si Gianna Revilla.

Pinayagan pa rin naman si Gianna na mag-artista pero mas gusto nilang mag-concentrate pa rin ito sa kanyang pag-aaral. Ayaw naman kasi ni Sen. Bong na mag-focus si Gianna sa pag-aartista at baka maligawan lang daw ito.

Si Inah naman ay baka tumuloy na raw sa pag-aaral ng Law. Hinihintay lang daw nila ang resulta ng exam na kinuha sa Ateneo

 

Show comments