^

PSN Showbiz

Ruffa nagpatali uli sa TV5, pumayag nang maging ina ni Nadine

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Mananatili sa TV5 si Ruffa Gutierrez kung totoo ang balitang tinanggap na nito ang bagong teleserye ng network na Minsan May Isang Ina. Noong una, nag-alangan pa ang aktres at ang kampo nito na tanggapin ang project, pero tila nagbago ang isip at ang latest, in na ang TV host-actress sa teleserye.

Never mind kung isa siya sa apat na gaganap na ina ng aktres na mapipili ng TV5 na gumanap sa aktres na naghahanap sa kanyang ina. Ang sabi, si Nadine Samonte pa rin ang gaganap na anak na naghahanap ng ina. Bukod kay Ruffa, gaganap ding mga ina sina Ara Mina, Bing Loyzaga, at Alice Dixson.

Sa pagtanggap ni Ruffa ng bagong project sa TV5, ibig sabihin Kapatid talent pa rin siya o baka naman per project ang bagong pipirmahang project. Nagtapos na kasi ang kontrata sa TV5 ni Ruffa, kaya nakakapag-guest ito sa shows ng ABS-CBN.

Marian singer na rin!

Makakadalawang pelikula this year si Marian Rivera dahil showing na sa April 10 ang My Lady Boss nila ni Richard Gutierrez na co-produced ng Regal Entertainment at GMA Films. May October playdate naman ang Kung Fu Divas na ayon kay Marian, may 10 days shooting pa sila.    

Busy pa rin si Marian dahil up to March 27, ang taping ng Temptation of Wife, pero pipilitin daw nila ni Dingdong Dantes na makapagbakasyon sa labas ng bansa sa Holy Week. Pero nauna nang sinabi ni Dingdong na dito lang sila sa Holy Week dahil balak niyang sumailalim ng detoxification.

Isa sa favorite scene ni Marian sa My Lady Boss ay ‘yung videoke scene dahil kumanta siya. Sa tanong namin kung ano ang kinanta niya, secret daw at malalaman na lang ‘pag pinanood ang pelikula.

Samantala, kahit puyat at pagod dahil sa taping ng TOW,  ang ganda pa rin ni Marian. Suot nito ang black and white dress na gawa ni Xernann Orticio at black Christian Dior shoes.

Pagsasama nina Raymart at Roxanne tuloy na

Ngayong Huwebes ang pictorial ng cast ng bagong soap ng GMA 7 na Home Sweet Home. Matutuloy na rito ang naudlot noon na pagtatambal nina Raymart Santiago at Roxanne Guinoo na dapat sa Daddy Dearest  pa, pero naudlot dahil nagbuntis si Roxanne.

Kasama sa cast ng Home Sweet Home  ang love team nina Jake Vargas at Bea Binene, kaya siguradong matutuwa ang JaBea fans nila. 

 Sa direction ni Gil Tejada, ang Home Sweet Home  ang papalit sa Smile Dong-Hae at isang family drama.

Jericho wanted!

Nakasalubong namin si Jericho Rosales sa ABS-CBN noong isang araw at kinongratulate namin sa magandang performance nang mag-guest sa concert nina Jose Manalo at Wally Bayola. Ang Jailhouse Rock ni Elvis Presley ang kinanta ni Jericho sa concert na nagustuhan ng audience.

Samantala, si Jericho ang gananap ng the late DILG Secretary Jesse Robredo sa Maalaala Mo Kaya  sa Sabado. Si Kaye Abad naman ang gaganap na Mrs. Leni Robredo. Sa tweet ni Mrs. Robredo kay Angeli Valenciano, manager ni Jericho, nagpasalamat ito na tinanggap ng aktor ang project.

Wanted pala sa press si Jericho ngayon, gusto siyang pag-reakin sa nabanggit ni Heart Evangelista sa interview nito na hindi sa BF na si Sen. Chiz Escudero ang first time na tumutol ang kanyang parents sa kanyang relasyon.

 â€œIt happened with Jericho before, I was young at nagparaya ako,” sabi ni Heart. So, kinumpirma nito ang usap-usapan sa showbiz na tutol ang parents niya kay Jericho, kaya nag-break ang dalawa.

vuukle comment

ALICE DIXSON

ANG JAILHOUSE ROCK

ANGELI VALENCIANO

ARA MINA

HOLY WEEK

HOME SWEET HOME

JERICHO

MY LADY BOSS

RUFFA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with