Kris kakarerin na ang pagpo-prodyus, sasali na rin sa cinemalaya!
- Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) - March 17, 2013 - 12:00am

Tama lang yung desisyon ni Kris Aquino na sa halip na umarte sa pelikula o TV ay maging prodyuser na lamang. Kasama ang mga dating nagtutulong sa paggawa ng indie films na sina Chris Martinez at Atty. Joji Alonso, may ipo-prodyus na pelikula ang presidential sister para sa Cinemalaya Film Festival na pinamagatang  Instant Mommy.

Kilala ang tambalang Martinez at Alonso sa paggawa ng magagandang indie film kung kaya inaasahan na maganda ring lalabas ang pelikula nila na kasama si Kris. Makakasama ang pelikulang gagawin nila sa New Breed category.

Bago ang gagawin niyang pagpo-prodyus, nabali­tang gagawa ng isang indie film si Kris na kung saan ay pumayag na itong magkaroon ng mga intimate scenes sa isang kapwa niya ring babae pero, hindi na ito matutuloy dahil may conflict sa mga endorsements niya.

Pinakakaabangan ang Cinemalaya Filmfest sa taong ito dahil  bukod sa Instant Mommy  na tatampukan ni Eugene Domingo, makakasali rin ang pelikulang tinatampukan ni Gov. Vilma Santos, ang Ekstra na kung saan ay pumayag mag-guest sina Piolo Pascual at Marian Rivera.

May pelikula rin dito si Gretchen Barretto, ang The Diplomat Hotel.

Pasensiya ni Derek naubos na!

Pati na si Derek Ramsay ay tila napundi na sa paulit-ulit na paggawa ni Baron Geisler ng kasalanan sa ilang mga kasamahan nila sa seryeng Kidlat.

Ang ikinagagalit ni Derek sa sinasabi niyang mahusay niyang co-actor ay ang hindi nito pagtupad sa ipinangako nitong pagbabago matapos na makabangga nito ang isa nilang kasamahan sa serye.

“Gawin na lang niya ang sinasabi niya at huwag nang ulitin ang mga pagkakamali niya.  Hindi na puwedeng paulit-ulit na lang siyang magso-sorry. Naaapektuhan na kaming mga kasamahan niya. Buti na lang at hindi kami umaabot sa pisikal na engkwentro na tulad ng nababalita. Hindi  rin totoo na ipinatanggal ko siya sa series. Wala akong karapatan, ang mga boss lang namin ang makakagawa nito,” sabi ng aktor na talaga namang nakitaan na ng pagkainis sa  kakulitan ni Baron.

 

BARON GEISLER CHRIS MARTINEZ CINEMALAYA FILM FESTIVAL CINEMALAYA FILMFEST DEREK DEREK RAMSAY DIPLOMAT HOTEL EUGENE DOMINGO GRETCHEN BARRETTO INSTANT MOMMY
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with