Mahilig sa M: Ogie si Michelle Madrigal ang bagong crush!

SEEN SCENE (Pilipino Star Ngayon) - March 15, 2013 - 12:00am

SEEN: Ngayong gabi ang repeat ng Foursome, ang concert nina Martin Nievera, Pops Fernandez, Ogie Alcasid, at Regine Velasquez sa The Arena, Pasay City.

SCENE: Si Michelle Madrigal ang bagong crush ni Ogie Alcasid, hindi na si Solenn Heussaff. Gandang-ganda si Ogie kay Michelle Madrigal. May soft spot sa puso ni Ogie ang mga babae na Michelle ang pangalan.

SEEN: Humingi ng apology si Tintin Bersola sa mga tao na na-offend sa Being Gay article na isinulat niya sa Philippine Star ngunit ayaw magpaawat ng mga basher niya sa social media.

SCENE: Ipinagtanggol ni Arnell Ignacio si Tintin Bersola pero sarado ang isip ng mga basher ng misis ni Julius Babao.

SEEN: Media shy si Jorge Mario Bergoglio aka Pope Francis, ang bagong hirang na Pope. Sinuspindi ng Twitter administrator ang fake Twitter account ni Pope Francis.

SCENE: Walang reaksiyon ang fans sa isyu na may problema sa relasyon nina Enzo Pineda at Louise delos Reyes. “The who?” ang tanong nila.

SEEN: Ang mga litrato ng decomposing body ni Ruby Rose Barrameda sa Facebook account ng kanyang kapatid na si Rochelle Barrameda. Inilabas ni Rochelle ang mga larawan ni Ruby Rose dahil sa sobrang galit sa pagbaligtad ng star witness na si Manuel Montero.

SCENE: Ipagpapatuloy ng mga Barrameda ang laban upang magkaroon ng justice ang pagpatay kay Ruby Rose, ayon kay Rochelle: “We will commemorate the death anniversary of my sister, Ruby Rose. 6 years ago on this date, she went missing. We prayed and waited for her hoping she was ok but after more than 2- years. Manuel Montero surrendered. He related to us what transpired on that day. Our family believed Montero was a very reliable person. But what can we do? Nobody can bring Ruby’s life again. Our quest for Justice continues. We will fight till the end. With your prayers and God’s graces, my sister will get the justice she truly deserves.”

ARNELL IGNACIO BEING GAY ENZO PINEDA JORGE MARIO BERGOGLIO MANUEL MONTERO OGIE ALCASID POPE FRANCIS RUBY ROSE TINTIN BERSOLA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with