Mga anak nina Nora Aunor at Maribel Lopez makikisaya sa Jeepney Jackpot

MANILA, Philippines - Mga anak ng celebrities ang maglalaro sa Jeep­ney Jackpot ngayong linggo. Susubukan nila kung gaano kasaya ang kauna-unahan at nag-iisang game show-on-wheels sa bansa. Ngayong Lunes, maglalaban-laban sina Niño Muhlach, Charlon Davao (anak ni Charlie Davao), Mara Lopez (anak ni Maria Isabel Lopez), Gene Padil­la, Kenneth Aunor (anak ni Nora Aunor), at IC Mendo­za para makaabot sa Jackpot Round.Mukhang ma­giging ma­saya ang episode na ito dahil kaila­ngan nilang makipag-wrestling sa isang baboy. Mas marami pang celebrity guests ang makikisakay ngayong darating na linggo sa Jeepney Jackpot. Mapapanood ito araw-araw, 2:45 p.m., pagkatapos ng Wowowillie sa TV5.

Show comments