Alam na hindi na sila mapapansin... Dahil kay Vilma, ibang director ng pelikula na kasali sa Cinemalaya nawalan na ng gana
PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio (Pilipino Star Ngayon) - February 28, 2013 - 12:00am

PIK: Parang kinukundisyon na nina Enzo Pineda at Kim Komatsu na magkadebelopan sila dahil sa kanilang love team sa bagong afternoon drama ng GMA 7 na Kakambal ni Eliana.

Alam naman natin na committed si Enzo kay Louise delos Reyes pero, ayon sa young actor, naisasantabi na niya ang personal na isyu kapag nasa trabaho.

“Kasi napag-usapan na namin ni Louise na work is work. Nung sila naman ni Alden (Richards), we’ve talked about it na meron naman ’yung alam mong madadala ka talaga kasi you have to be truthful sa ginagawa mo,” pahayag ni Enzo.

Si Kim naman ay parang kinikilig nang napag-usapan na si Enzo.

 â€œBasta ako, ginagawa ko lang po kung ano ang ipinapagawa sa akin na trabaho. Pero si Enzo kasi sobrang malambing.

 â€œPero alam ko naman po ang limit ko, ginagawa ko lang po kung ano ang pinapagawa sa akin,” sagot naman ni Kim.

PAK: Hindi lang Vilmanians kundi halos lahat ay tuwang-tuwa sa pag-guest nina Marian Rivera at Piolo Pascual sa indie film ni Gov. Vilma Santos na Ekstra.

Sa totoo lang, si Marian ang pinaka-excited sa lahat dahil gustung-gusto raw niya talaga makatrabaho si Gov. Vi.

Medyo malabo naman niyang makatrabaho ito sa mainstream kaya kahit sa indie film ay okay na sa kanya.

BOOM: Dahil sa magandang indie film ni Gov. Vilma Santos at pinag-uusapan na ngayon, may nakakarating sa aming natatakot na ang ibang filmmakers na kasali sa Cinemalaya Independent Film Festival sa July.

 Meron daw isang eksena si Gov. Vi na ang galing-galing nang pagka-portray niya at kalat na kalat na raw ito sa ibang direktor na may entry din sa naturang filmfest.

Kaya meron daw isang direktor na hindi na kinakarir ang pelikula niyang kasali rin sa Cinemalaya dahil alam niyang itong Ekstra na ni Gov. Vi ang mapapansin.

Parang nadi-demoralize na tuloy ang mga artistang involved sa pelikulang ito ng isang kilalang direktor dahil kahit anong karir nila sa mga eksenang ginagawa, hindi na ito pinapansin ni Direk.           

Lagi raw sinasabi ng kanilang direktor, okay na ’yung nakunang eksena. Hindi naman nila kayang tapatan ang mga eksena ni Gov. Vi sa Ekstra.

Parang nawawalan na ng gana tuloy ang mga artistang involved dahil kahit sobrang ginagalingan nila, keber na raw si Direk.

CINEMALAYA INDEPENDENT FILM FESTIVAL DIREK EKSTRA ENZO ENZO PINEDA KIM KOMATSU NAMAN VILMA SANTOS
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with