Dingdong nagdetalye na sa paglipat ng ibang network

Bakit nga naman kailangan pang lumipat at iwan ni Dingdong Dantes ang network na nag-alaga sa kanya at nagpa­laki ng kanyang pangalan kung alaga naman siya nito sa mga proyekto at pinapayagan pa siyang makagawa ng proyekto sa iba, kahit na sa mortal na kalaban nitong ABS-CBN na dalawang ulit ng nagbibigay ng panalo sa kanya bilang best actor?

Malapit nang matapos ang kontrata ni Dingdong sa Kapuso Network kaya maraming espekulasyon ang naglalabasan na baka hindi na siya pumirmang muli sa GMA at sa halip ay lumipat na rin ng ibang network.

“Wala akong alam tungkol diyan. Ang manager ko ang gu­magawa ng desis­yon pagdating sa career ko. Pero wala akong reklamo sa GMA, maganda ang patakbo nila sa career ko. Hindi ko nakikita ang posibilidad na iiwan ko sila para sa iba. Bakit pa eh maluwag naman sila sa akin?

“Wala akong naiisip na puntahan, I’d rather stay with GMA dahil masaya ako rito,” sabi ng aktor na hinuhulaan na namang magiging malakas na contender for best actor dahil sa ipinamamalas niyang husay sa pagganap sa Pahiram ng Sandali. Marami ang nagsasabi na ang role ni Alex ang pinakamagandang role na nagampanan niya sa serye.

Gerald ayaw na talagang patulan si Kim

Mabuti naman at nagpapaka-gentleman si Gerald Anderson sa kanyang pananahimik tungkol sa mga isyu niya kina Maja Salvador at Maricel Soriano.

Bagama’t hindi titigil ang media hangga’t hindi nila nahuhukay ang ugat na magsasabi ng totoong istorya sa likod ng mga kontro­bersiya, patuloy ang pagkakatikom ng bi­big ng aktor.

Ni ang pangyayaring siya ang nalalagay sa alanganin ay hindi magpapabago sa kanyang pasya na kimkimin na lang ang lahat at ituon ang pansin sa kanyang trabaho. The facts remain na matagal na silang wala ni Kim Chiu kaya hindi siya ma­paparatangan na na­mamangka sa da­lawang ilog at lumalagay sa gitna ng dalawang mag-BFF.

Hindi rin naman siya bopol sa pag-arte na magiging dahilan para siya maltratuhin ng isang beterana at magaling na aktres. Alam ng tao kung saan siya nakatayo sa da­lawang nabanggit na is­yu kaya puwede siyang manahimik at magtrabaho na lang muna sa Bukas Na Lang Kita Mamahalin at hangarin ang pagdating ng araw na lalabas at lalabas din ang totoo.

I Do Bidoo… sa Osaka filmfest nagbibigay pag-asa sa Pinoy musical films

Ang pagkakasali ng I Do Bidoo Bidoo sa Osaka Asian Film Festival (OAFF) ay isang malaking tulak para gumawa pa ng musical movies ang mga pro­ducer natin. Kung ang Les Miserables ay sinalubong ng mga manonood ng masigabong palakpa­kan sa ending nito, ang I Do Bidoo Bidoo ay nagmistulang isang karaoke movie dahil sinabayan naman ng mga manonood ang lahat ng kanta na tampok sa pe­likula. Hindi rin naman nahuli ang mga gumawa ng lokal na musical sa foreign counterpart nila kung ganda ng pelikula, istorya at performance ang pag-uusapan.

Magaganap ang Osaka Asian filmfest sa Marso 8-17 at pasok sa Competition Section ang pelikula ni Chris Martinez. Makakatanggap ang best picture award ng JPY 500,000. Tatanggap naman ng JPY200,000 ang most promising talent awardee.

Melai at Jason nagkabalikan

Aakalain mo bang liligawang muli ni Jason Francisco si Melai Cantiveros matapos ang kanilang ma­ingay na paghihiwalay? Sa programang Kris TV na kung saan ay regular na co-host ni Kris Aquino ang dalawang dating winners sa Pinoy Big Bro­ther, inamin ng dalawa na nagliligawan silang muli na ikinakilig hindi lamang ng dalawang parehang ka­­sabay nilang nag-guest, sina Bugoy Drilon at Liesel Garcia at Melissa Ricks at Paul Jake Castillo kundi maging ni Kris mismo.

Certified lovers na ang tatlong pareha na umamin na napag-uusapan na rin nila ang kasal pero hindi pa ngayon.

Show comments