Anak nina Katrina ‘iaalay’ na!

PIK: Magsasama ang dating magdyowang Dra. Vicki Belo at Atom Henares kasama ang anak nilang si Cristalle Henares sa Sarap Diva ni Regine Velasquez.

Sila ang special guests na mapapanood sa Sabado  kung saan isi-share nila ang kanilang kakaibang recipe ng chocolates cookies.

Pero mas kuwela ang pag-uusapan nila kay Songbird tungkol sa magkaibang pananaw ng mag-ina pagdating sa love life.

PAK: Gustung-gusto na pala ng magulang ni Ryz­za Mae Dizon na bumili ng bagong kotse para gamitin nila sa taping at ilang events na pinupuntahan nila.

Iyun daw talaga ang gusto talaga nilang mabili ngayong buwan dahil nahihirapan na raw ang bata sa pag-commute minsan kung hindi ito nabibigyan ng service na sasakyan sa pupuntahan niya.

Ang pinuproblema lang daw nila ngayon kapag nakabili na ng kotse ay ang parking area sa bahay nila sa Tondo.

Wala raw kasing mapaparkingan ng kotse sa tapat ng bahay nila, kaya kahit may pambili sila kung walang pagpaparadahan ay problema pa rin.

Kaya malamang na maghahanap din muna sila nang bahay na malilipatan na puwedeng makapag-park ng kotse.

BOOM: Bibinyagan na si Baby Katie,  ang anak nina Katrina Halili at Kris Lawrence sa Biyernes.

Nangakong dadalo sa dedication nito si Marian Rivera na isa sa unang kinausap ni Katrina na kukuning ninang para sa kanyang anak.

Sabi naman ni Marian, matagal na silang okay ni Katrina at nung nanganak ito ay nagti-text daw sila at nagkukumustahan.

Ilan pa sa mga tatayong ninong at ninang ay sina Mark Herras, Jennylyn Mercado, Cristine Reyes, JayR, at ilan pang malalapit na kaibigan nina Katrina at Kris.

Show comments