Noli , Korina, at Ted mangangatok ng bahay-bahay!

MANILA, Philippines - Tumutok sa DZMM Radyo Patrol 630 o DZMM TeleRadyo para sa grand promo na DZMM Katok Bahay, Pamaskong Bigay at baka sina ‘Kabayan’ Noli De Castro, Ted Failon, o Korina Sanchez na ang mismong bumisita sa bahay ninyo para iabot ang prem­yong home appliances, Noche Buena gift basket, DZMM shirt, at magkaroon ng pagkakataong masubukan ang Digibox ng ABS-CBN.

Maaaring sumali sa promo ang mga taga-Mega Manila hanggang Disyembre 25 sa pamamagitan ng pagsubaybay sa DZMM araw-araw. Para makasali, i-text ang DZMM (space) REACT (space) PANGALAN (space) TIRAHAN at i-send sa 2366.

Ang barangay na may pinakamaraming ipapadalang text ang lugar na dadalawin ng mga DZMM anchor at reporter at sinuman ang nahuling nakikinig o nanonood ng DZMM ang siyang bibigyan nang dala-dala nilang pamasko.

Isang masaganang Christmas party naman kasama sina Zaijian Jaranilla at Bugoy Carino para sa mga batang kapuspalad ang ihahanda ng DZMM sa isa na namang edisyon ng Maligayang Paslit.

Ngayong Disyembre 14 sa Enchanted Kingdom, makaka-bonding ng child stars ang 25 iskolar ng himpilan at 75 na batang lansangan kasama ang kanilang pamilya.

Samantala, mas lalo pang tumingkad ang Pasko sa DZMM sa pinakabago nitong Christmas station ID tampok ang jingle na inawit ng premyadong singer na si Nonoy Zuniga.

Show comments