^

X Factor final five, magpapasiklaban sa revivals

(The Philippine Star) - September 21, 2012 - 12:00am

 MANILA, Philippines - Bibigyan ng sariling panlasa at buhay ng The X Factor Philippines final five ang mga awiting ni-revive na ng mga sikat na international at local artists ngayong Sabado (Sep 22).

Tatapatan ni Jeric Medina ang isang sikat na revival mula sa South Border habang ang kasamahan sa boys na si Gabriel Maturan ay bibirahin ang isang Paolo Santos hit. Susubukan namang kabugin ni Allen Sta. Maria at KZ Tandingan ng girls ang mga awitin mula sa musical TV show na Glee at ni Adele habang itatayo naman ng Daddy’s Home ang bandera ng Groups sa pamamagitan ng isang awitin mula sa Side A. Sino ang pauuwiin at sino ang mananatili sa pag-asang maging susunod na multimedia superstar? Dalawang linggo na lang at magaganap na ang pinakaabangang musical showdown ng final three sa grand finals ng kumpetisyon sa Oct 6 at 7.

Para hindi malagay sa alanganin ang inyong idolo, siguraduhing bumoto pagkatapos ng kanilang performances bukas (Sep 22). I-text lang ang XF<space>JERIC/GAB/ALLEN/KZ/DAD at ipadala sa 2331 para sa Globe at Sun subscribers at 231 naman para sa Smart at Talk ‘n Text subscribers. Huwag nang bibitiw sa mas tumitindi pang kumpetisyon sa The X Factor Philippines, kasama si KC Concepcion bilang host, tuwing Sabado, pagkatapos ng MMK, at Linggo, pakatapos ng Sarah G Live, sa ABS-CBN. 

ADELE ALLEN STA GABRIEL MATURAN JERIC MEDINA PAOLO SANTOS SABADO SARAH G LIVE SIDE A SOUTH BORDER X FACTOR PHILIPPINES
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with