Vhong hindi nalilimutan si Dolphy!

Masaya si Vhong Vavarro sa kanyang sitcom na Toda Max dahil nagkaroon siya ng pagkakataon na makasama si Robin Padilla sa isang magandang proyekto. Bukod kay Robin ay magaan din daw na katrabaho sa nasabing programa ang aktres na si Angel Locsin. “Ang sarap kasi lumalabas ang pagiging kenkoy ni Angel sa set. Kasi ang alam natin kay Angel, dramatic actress. So at least sa Toda Max napapakita niya ‘yung different side niya,” nakangiting pahayag ni Vhong. “Ang galing niya, dati nahihiya pa siya. Nga­yon, may suggestions na rin siya, open siya eh. Alam niya na hindi niya forte ang comedy. So kapag may suggestions kami nina Robin, game siya. Gusto ko ‘yung ganun. Enjoy lang kami sa set kasi trabaho very light lang ‘yung acting tapos maaga pa kaming natatapos,” paglalarawan pa ng aktor.

Ikinatuwa rin ni Vhong nang malaman niyang nakakapanood daw ng kanilang programa ang Hari ng Komedya na si Mang Dolphy noong nabubuhay pa ito. “Hindi ko nga siya nakausap eh. Pero nadalaw ko siya sa hospital noon. Kasi ‘yung writer namin, same writer ng Home Along Da Riles at John en Shirley. Nakakatuwa kasi may communication sila at ibinabalita niya sa amin kung anong feedback ni Tito Dolphy noon. At least kahit paano nakapanood si Tito Dolphy ng Toda Max noong nabubuhay pa siya,” kuwento ni Vhong.

Iza nadala sa nakarelasyong aktor

Namamayagpag ngayon ang career ni Iza Calzado sa Kapamilya network dahil kabi-kabila rin ang ginagawa niyang proyekto. Bukod sa takbo ng karera ay masaya rin ang dalaga sa kanilang relasyon ng kasintahan na si Ben Wintle.

Isang businessman ang Filipino-British na boyfriend ni Iza. “Happy naman talaga ako. Ang tanong ko na lang, how can I get better than this because I’m sure it can.”

Ayon sa dalaga ay mas maganda raw ngayon na hindi isang artista ang kanyang karelasyon kumpara sa relasyon ng dalaga noon sa isang artista na hindi naman nagtagal. “It was like a month and a half, it was not a pleasant experience. Very intense pero it also ended abruptly. Di ko lang din kaya. Ako rin may pagkaselosa, ‘di ko rin lang alam kung paano ko i-handle,” kuwento ng aktres.

Mas mahirap daw na karelasyon ang isang artista dahil sa mundong ginagalawan nito. “They are exposed to a lot of beautiful women. They’re more prone to temptations and because of fame, power, money and good looks, it’s a very deadly combination. So medyo iniiwas ko na lang din and I also like the fact of having someone from a different world,” giit pa niya. Reports from James C. Cantos

Show comments