Rita masaya na sa tatlong 'anak'

Sa presscon ng Sana ay Ikaw na Nga na ipapalabas ngayong September ay nakausap namin si Rita Avila. Inamin ng aktres na aware siya sa mga naglalabasang tsismis tungkol sa kanyang ka-weird-ohan na nakikipag-usap siya sa kanyang mga manika.

Sa pagkamatay ng kanyang anak ay ito na ang napaglilibangan nilang mag-asawa si Direk Eric Reyes kaya hindi siya apektado ng mga malisyosong usap-usapan.

‘‘Nakakapagod na ang mga tsis­mis. Basta’t ang mahalaga ay masaya ako sa aking tatlong laruang ma­nika na may kanya-kanyang birth­day. Sina Popoy at Mimay ay April 8 at si Pony ay June 12. Kapag kinakausap ko sila ay nai-stimulate ako. Taun-taon nagse-celebrate sila ng birthday,’’ sabi ni Rita.

Sa kabilang banda, ang original version ng Sana ay Ikaw na Nga ay noong 2002 na tinampukan nina Dingdong Dantes at Tanya Garcia. Sa makabagong bersiyon ay sina Mikael Daez at Andrea Torres ang mga bida. Mapapanood na ito sa Sept. 3 sa GMA Afternoon Prime sa direksiyon ni Roderick Lindayag at sa panulat ni RJ Nuevas.

Gabby ayaw nang mamili ng role

May nagtanong kay Gabby Eigenmann na kasama uli sa remake ng Sana ay Ikaw Na Nga. Naging bida na ito sa Broken Vow, ngayon ay balik-kontrabida uli. Ano ang kanyang reaksiyon?

‘‘I’m not getting any younger. Kaya I don’t have to choose my role. Maganda naman ang takbo ng istorya at ako ang mag-aalaga kay Cecilia Fulgencio na gagampanan ni Andrea Torres,’’ sabi ni Gabby.

Mikael nape-pressure na

Inamin ni Mikael Daez na masaya siya dahil nabigyan ng break na maging bida. Pero nape-pressure siya at gustong ipakita na may ibubuga naman siya sa pag-arte. Kaya nga panay ang kausap nito kay Direk Roderick Lindayag para maalalayan sa tamang pag-arte.

Enjoy naman siya sa taping at magkasundo sila ng kaparehang si Andrea.

Show comments