Talunang Pinay sa Miss World tuloy ang pag-e-emote!

Seen :  Ang pag-amin ni Mikael Daez na nagsuot siya ng underwear sa mga fashion show na kanyang sinalihan noon ngunit tikom na tikom ang bibig niya sa nude photos na kumalat sa Internet.

Scene : Ang public apology kahapon ni Robert Carabuena kay Saturnino Fabros, ang MMDA traffic enforcer na kanyang pinagmumura at sinampal.

Tuloy ang kaso ng MMDA laban kay Carabuena.

Seen : Showing sa mga sinehan sa September 26 ang Of All The Things, ang pelikula nina Regine Velasquez at Aga Muhlach.

Hindi puwedeng i-delay ang playdate ng pelikula dahil sa kandidatura ni Aga bilang House Representative ng Camarines Sur 4th District.

Scene: Ang last taping day ng Makapiling Kang Muli noong Miyerkules.

Ang Makapiling Kang Muli ang teleserye ng GMA 7 na nalalapit na ang pagtatapos.

Seen : Hindi pa halata sa presscon kahapon ng I Do Bidoo Bidoo ang pagbubuntis ng singer na si Frenchie Dy.

Sanay ang mga tao sa malusog na pangangatawan ni Frenchie, walang makakahalata kahit hindi niya sinabi ang kanyang kalagayan.

Scene : Graded A ng Cinema Evaluation Board ang I Do Bidoo Bidoo.

Tuwang-tuwa ang cast at production staff sa rave reviews sa kanilang pelikula.

Seen : Hindi na dapat bumalik sa China si Queenierich Rehman, kung sinasabi niya na nagkaroon ng lutuan sa Miss World  kaya si Miss China ang nanalo. 

Panindigan niya ang kanyang walang solid evidence na bintang sa China at Miss World organizer. 

Scene : Ngayong gabi, 7:00 pm, ang limited at free concert ni Ely Buendia sa Trinoma Activity Center. Kakantahin ni Ely ang kanyang past hit songs.

Show comments