Say ni Sharon sa mga bakla, 'Magladlad na kayo'

SEEN: Binigyan ng malisya ang strong statement kahapon ni Sharon Cuneta sa Sharon: Kasama Mo, Kapatid: “Ang advice po namin sa mga bakla, magladlad na po kayo!”

SCENE: Walang karapatan si Sharon Cuneta na i-pressure ang mga closeted gay na lumantad. To each his own.

SEEN: Si Jonalyn Viray ang kumanta ng Ayoko Sana, ang official theme song ng Faithfully, ang afternoon TV series ng GMA 7 na hahalili sa timeslot ng Broken Vow.

SCENE: May assurance si Annabelle Rama na walang dapat ipag-alala ang fans niya sa arrest warrant na inilabas ng korte ng Quezon City laban sa kanya.

SEEN: Over reaction si Nadia Montenegro sa arrest warrant laban kay Annabelle Rama dahil napatunayan daw ng lahat na nagsasabi siya ng totoo.

Hindi nilinaw ni Nadia na nagkaroon si Annabelle ng warrant of arrest dahil hindi ito sumipot sa arraignment noong Lunes.

SCENE: Ang contract-signing event kahapon ng GMA Films, Imus Productions, OctoArts Films, at M-Zet Films para sa pelikula na isasali nila sa 2012 Metro Manila Film Festival na pagbibidahan nina Vic Sotto, Senator Bong Revilla, Jr., at Judy Ann Santos.

SEEN: Hindi totoo na kakandidatong mayor ng Quezon City sa 2013 si Vic Sotto.

Show comments