Bela at Chariz bumida sa kampanya ng FHM

MANILA, Philippines - Bumida kamakailan ang GMA Artist Center (GMAAC) talents na sina Bela Padilla at Chariz Solomon sa Relik Tapas Bar and Lounge sa The Fort, Taguig City para sa party at kampanya sa FHM’s 100 Sexiest Women.

Si Bela na naging FHM cover nung March ang nagkaroon ng napa­kataas na boto sa poll. Maaaring dahil ’yun sa kadikit na kontrobersiya pero maaari ring isang malaking blessing para sa aktres dahil nakapasok

siya sa Top 10.

“To be part of the one hundred girls is a big accomplishment na, to be included in the Top Ten is a great, big bonus,” sabi ni Bela.

Si Chariz ay consistent placer sa listahan sa loob ng ilang taon na.

“I’m so happy na naa-appreciate nila ako despite the comedienne image na lagi kong pino-portray,” sabi ni Chariz.

Magmula ng umpisahan ang FHM Philippines’ 100 Sexiest Women 2012 Poll nung April, tumaas pang lalo ang mga boto para sa mga nag­gagandahan, nagseseksihan, at mga talented na babae.

Dumalo rin ang GMAAC talents na sina Rye Burgos, Jay Gonzaga, at Pancho Magno nung party sa The Fort.

Show comments