Pamunuan ng TV5 suportado si Derek Ramsay bilang sports ambassador

Manila, Philippines -  Nagpahayag ng pagsuporta ang mga ehekutibo ng TV5 kabilang na si Chairman Manny V. Pangilinan (pangalawa sa kaliwa), President at CEO Atty. Ray C. Espinosa (pangalawa sa kanan) at Executive Vice President at COO Roberto V. Barreiro (pinaka-kaliwa) sa pagsabak ni Derek Ramsay bilang opisyal na sports ambassador ng istasyon sa nalalapit na London Olympics 2012. Makikita rin sa larawan ang manager ni Derek na si Jojie Dingcong (pinaka-kanan). 

Sa nakaraang contract signing na ginanap sa First Pacific Leadership Academy, iginiit ng mga bossing ng TV5 ang mahalagang papel ni Derek sa layunin ng network na hikayatin ang mas maraming Pilipino na lumahok sa larangan ng palakasan. 

Ngunit bago pa sumabak sa kanyang tungkulin sa London, nahaharap naman sa matinding hamon si Derek bilang host ng The Amazing Race Philippines na nalalapit nang umere sa Philippine TV bago matapos ang taon. 

Show comments