^

BB ginagamit si Piolo para pag-usapan!

() - March 17, 2012 - 12:00am

Seen : Si Aga Muhlach sa taping ng Pinoy Explorer sa Italy.

Mapapanood sa TV5 ang Italy trip ni Aga at sa direksiyon ito ni Rowell Santiago.

Scene : Ang pagbabalik-eskuwela sa New York City ang big news ni Mo Twister noong March 14, hindi ang pag-atake niya kay Rhian Ramos dahil nagbukas sa mga sinehan noong March 14 ang My Kontrabida Girl.

Seen : Makakabalik sa showbiz si Rhian Ramos dahil sa full support ng GMA 7.

Visible na uli siya sa maraming programa ng Kapuso Network.

Scene :  Marami ang sumusuporta sa “landas” na nais tahakin ni Charice.

Nakakatanggap siya ng mga encouragement sa kung anuman ang kanyang “sexual preference.”

Seen : Dapat magpasalamat si Charice sa mga tao na sinusuportahan ang kanyang bagong ‘katauhan’ at tinutulungan siya na ipakita sa lahat ang tunay na ‘kulay’ niya.

Scene : Nakikipagkumpitensya si Iya Villania ng Umagang Kay Ganda kay Chiqui Roa-Puno ng Good Morning Club sa pagtuturo ng sayaw.

Parang mahihirapan si Iya na lampasan ang husay ni Chiqui sa pagsasayaw.

Seen : Ang long distance relationship nina Heart Evangelista at Daniel Matsunaga na umuwi sa Brazil para magpalamig dahil sa mga threat na natatanggap.

Hindi hiwalay sina Heart at Daniel, umalis lang ng bansa si Daniel.

Scene : Hindi natupad ang pahayag ni Grace Ibuna na hindi na siya magsasalita tungkol sa sigalot nila ni Aleli Arroyo matapos ang interbyu sa kanya ni Boy Abunda sa The Buzz.

Nagsalita uli si Grace sa mga programa ng ANC.

Seen :  Handa si Grace Ibuna na ipaubaya kay Aleli Arroyo ang mga naiwan na kayamanan ni Congressman Iggy Arroyo upang patunayan na wala siyang interes sa pera at ari-arian ng kanyang live in partner na pumanaw.

Scene : Ang announcement na nagsalita sa Paparazzi sa unang pagkakataon si Edward Mendez tungkol sa kinalaman niya sa paghihiwalay nina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho, Jr.

Nauna nang magsalita si Edward sa Startalk at Showbiz Central.

Seen : Naging safe si Edward Mendez sa mga interview. Hindi  ikinuwento  ni Edward ang pagkompronta sa kanya ni Hayden dahil sa pagseselos nito sa closeness nila ni Dra. Belo.

Scene : Hindi totoo ang press release na sold-out ang March 2012 issue ng FHM. Hindi gaanong nakatulong sa magazine sales ang racist controversy na nilikha ng sexy pictorial ni Bela Padilla.

Seen : Ang “Two eggs ..err heads are better than one” statement ni Atty. Ferdinand Topacio sa mga TV interview sa kanya.

Hindi na nakakaaliw ang mga sinasabi ng lawyer nina dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at Atty. Mike Arroyo. Gasgas at hard sell na ang kanyang mga joke.

Scene : Pinasikat lang ng mga organizer ng Cinemalaya Film Festival ang filmmaker na si Emerson Reyes. Hindi na siya dapat pinag-uusapan dahil maraming ibang pelikulang kasali sa film festival ng mga indie film.

Seen : Unfair na gamitin ni BB Gandanghari si Piolo Pascual upang mapag-usapan ang pagbabalik niya sa showbiz. Gumawa siya ng sariling isyu.

Scene : Mashel ang Muslim name na ginagamit ni Queenie Padilla. Nag-quit sa showbiz ang anak ni Robin Padilla para mag-focus sa Islam religion.

Seen : Lumipat si Francine Prieto sa bagong townhouse na binili niya sa Marikina City.

Limang aso at kasambahay ang kasama ni Francine sa kanyang bagong tirahan.

Scene : Ang meaningful tweet ni Elvis Gutierrez: “Ang taong sakim, walang utang na loob at sinungaling ay pumapangit at lumiliit ang isang mata. Ebidensiya ng parusa dahil sa ugaling bulok.”

Seen : Marami ang boto sa relasyon nina Gerald Anderson at Sarah Geronimo kaya pikon na pikon na ang fans nina Gerald at Kim Chiu na umaasa na magkakabalikan ang loveteam na sinusuportahan nila.

Scene : Rape, murder, pagtaas ng gasolina at impeachment ang nakakadismaya na headline ng mga news program na mas binibigyan ng halaga ang mga negative news kaya parang wala nang magandang mga nangyayari sa Pilipinas.

Seen :  Kailangan pa ni Kristine Hermosa na magpapayat upang bumalik ang dating hugis ng kanyang katawan bago siya nagbuntis at nanganak sa panga­nay nila ni Oyo Sotto.

Scene : Excited ang fans nina Marian Rivera at Coco Martin sa pagta­tambal nila sa pelikula.

Si Maryo J. Delos Reyes ang direktor ng project.

Seen : Dedma ang Hollywood actor na si Taylor Kitsch sa panawagan na mag-apologize siya sa Pilipinas dahil sa airport incident na ikinuwento niya sa show ni David Letterman. Pangit ang reviews ng Filipino film critics sa John Carter, ang pelikula ni Taylor.

Scene : Dapat piliin ni Aiko Melendez ang mga damit na isinusuot niya para hindi siya magmukhang dambuhala sa television screen.

Seen : Sapaw na sapaw ni Glydel Mercado si Alice Dixson sa mga eksena nila sa Isang Dakot Na Luha.

Scene : Twenty-six years na ang PSN at patuloy na magbibigay ang Seen Scene ng walang paliguy-ligoy na komento, balita at obserbasyon sa mga kaganapan sa entertainment industry.

                                           

ALELI ARROYO EDWARD MENDEZ GRACE IBUNA RHIAN RAMOS SCENE SEEN SIYA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with