^

Charice napaiyak off-cam sa deretsahang tanong kung tomboy ba?

TAKE IT! TAKE IT! - Lolit Solis () - March 11, 2012 - 12:00am

How true ang balita na napaluha si Charice dahil na-offend ito sa tanong ng isang reporter tungkol sa kanyang kasarian?

Off-cam nang magtanong ang reporter na ikinabigla ng young international singer dahil hindi ito sanay sa mga walang pasintabi na question.

Hindi siguro mapapaiyak si Charice kung medyo ni-rephrase ng reporter ang kanyang tanong. Maraming paraan sa pagtatanong sa isang tao o celebrity na hindi siya mapapahiya o mabibigla.

Puwede rin na nabigla rin ang reporter dahil sa new look ni Charice na pinagupitan nang maigsi ang buhok at nagpalagay pa ng tattoo sa bisig. Para hindi na ma-hurt, isipin na lang niya na iniintriga siya dahil ’yon ang kapalit ng kanyang bagong look na siya rin naman ang may kagustuhan.

Jennylyn masuwerte pa,

BF ni Katya Santos namatay nang makuryente sa water heater

Ang boyfriend ni Katya Santos ang naalaala ko nang marinig ko ang balita na nakuryente si Jennylyn Mercado dahil sa water heater nang pumunta siya sa Abra sa isang show.

Namatay ang boyfriend ni Katya dahil nakur­yente ito habang naliligo sa hotel na tinutuluyan niya sa Mindoro. Water heater ang dahilan kaya nakur­yente at sumakabilang-buhay ang boyfriend ni Katya noong 2004.

Natatandaan ko ang kuwento tungkol kay Katya at sa kanyang pumanaw na boyfriend dahil na-feature ito noon sa isang episode ng Magpakailanman, ang dating show ng GMA 7 na si Mama Mel Tiangco ang host.

Napakapalad ni Jennylyn dahil hindi siya napuruhan nang makuryente siya sa Abra dahil din sa water heater. Ngayong hapon, ikukuwento ni Jennylyn sa Showbiz Central ang kanyang unforgettable experience sa Abra.

Grace lulunukin lahat ng mga batikos

Malawak ang pag-iisip ni Grace Ibuna kaya nakakatiyak ako na hindi niya minasama at lalong hindi siya na-offend nang ibigay kay Aleli Arroyo ang Philippine flag nang ilibing si Congressman Iggy Arroyo sa Manila North Cemetery noong Biyernes.

Wala akong nakikita na reason para ma-hurt si Grace dahil siya mismo ang nagsabi na lulunukin niya ang lahat ng mga batikos at masasakit na salita, alang-alang sa pagmamahal niya kay Rep. Iggy.

 Kahit hindi sila kasal, alam ni Grace ang kanyang mga karapatan at limitasyon bilang huling babae sa buhay ng namayapang congressman.

Dolphy mas mahina ang immune system dahil sa asthma

Hindi naman inililihim ng mga nagmamahal kay Mang Dolphy na labas-masok siya sa ospital dahil mahina ang kanyang immune system.

Usung-uso ngayon ang sakit dahil sa sobrang init ng panahon at kung nagkakasakit ang mga malalakas ang katawan, si Mang Dolphy pa kaya na alam ng lahat na may asthma?

Ipagdasal natin ang paggaling ng Comedy King dahil mahirap ang may nararamdaman. Dusa ang magkaroon ng sakit ’no?!

ABRA ALELI ARROYO DAHIL JENNYLYN KATYA KATYA SANTOS MANG DOLPHY NANG SIYA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with