Party Pilipinas pulang-pula ngayong Linggo

MANILA, Philippines -  Ngayong Linggo (Dec. 4), mauuna na ang Party Pili­pinas sa pagkukulay-pula ngayong Christmas season!

Magbibigay ng mensahe at magandang kanta ang kakakasal lang na si Jolina Magdangal-Escueta. MA-in love sa mga biritero’t biretera sa mga kanta ni Barry Manilow.

Hindi pahuhuli sina Jaya, Frencheska Farr, Ra­chelle Ann Go, Mark Bautista, at child singing star na si Leana. Ganun din ang Keso Boys na sina Aljur

Abrenica, Derrick Monasterio, Kristoffer Martin, at Enpress Awards’ best actor in a drama series, Dennis Trillo.

Red light naman ang Party Pilipinas pagdating sa paseksihan nina Iza Calzado, Rochelle Pangi­linan, Sam Pinto, LJ Reyes, Glaiza de Castro, Rhian Ramos, at Lovi Poe! Sasamahan pa ng mga hunks na sina JayR at Kris Lawrence.

Paskong Pinoy ang handog nina Mark, Janno Gibbs, Maricris Garcia, Jennylyn Mercado, at Ogie Alcasid. Walang panahon para maging blue! Manood ng Party Pilipinas RED ngayong Linggo ng tanghali sa GMA 7.

Show comments