^

Coco nagagamit lang ni Angeline Quinto?

() - October 7, 2011 - 12:00am

MANILA, Philippines - Nagrereklamo ang maraming fans ni Coco Martin. Worried sila dahil si Angeline Quinto ang leading lady nito sa ginagawang pelikula ng kanilang idolo.

Ang fear nila, hindi pa kilala si Angeline at wala pa itong napapatunayan sa aktingan so paano raw ito makakatulong sa ginagawa nilang pelikula.

Bakit daw hindi binigyan si Coco ng sikat na partner para naman mas bongga ang dating?

Baka raw madamay sa career ni Angeline si Coco.

Hmmm. Oo nga naman. Wala bang sikat na puwedeng i-partner kay Coco? ‘Yung may name na sure na puwedeng magpakilig sa fans.

Eh si Angeline nga naman, baka magamit lang si Coco.

Marvin hataw sa pagnenegosyo

Grabe rin si Marvin Agustin. Kahit busy sa TV at pelikula, aba nagagawa pa niyang tutukan ang kanyang mga negosyo. Ito ay bukod pa sa pagi­ging concert producer (via Futuretainment) na ang la­test project niya ay ang concert ng Black Eyed Peas.

Imagine sa October 11, kasama ang kanyang partner na si Carlo Lorenzana, magbubukas sila sa Abreeza Mall sa Davao City ng kanilang ninth SumoSam, ang Japanese-American fusion restaurant na sinimulan nila several years back. At nangako pa siya na hindi ito ang huli sa kanilang expansion dahil meron pa silang apat na bubuksang branches bago matapos ang taon.

Few weeks ago lang nang buksan nila ang pang-walong branch nila.

Parang kailan lang nang mag-umpisa si Marvin sa showbiz. Waiter siya noon kaya hindi nawala ang interes niya sa food business dahil alam niya ang hinahanap ng customers.

Hindi madali ang restaurant business sa kasalukuyan pero may mga sikreto si Marvin – good service and warm hospitality plus delicious food at hindi mahal ang presyo, tagumpay ang resulta. Ito ang parati niyang nire-remind sa kanyang mga staff sa kanilang weekly meeting.

Isa rin si Marvin sa may-ari ng John and Yoko, Mr. Kurosawa, Comrade, Johnny Chow, at ang bubuksang Japanese buffet restaurant sa The Fort.

Hands on siya sa lahat ng negosyo niya.

Kumuha siya noon ng culinary course para mas maintindihan ang kanyang mga negosyo. 

ABREEZA MALL ANGELINE QUINTO BLACK EYED PEAS CARLO LORENZANA COCO MARTIN DAVAO CITY JOHN AND YOKO MARVIN
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with