Pagbi-VP ni Sen. Bong tuloy na

Kumpirmado na si Sen. Bong Revilla, Jr. ay tatakbo bilang vice president sa susunod na eleksiyon. Ito ang humigit kumulang na impresyon na nakuha sa kanya ng media ng dumalo sa selebrasyon ng kanyang ika-45 taong kaarawan. Sa susunod na eleksiyon natapos na niya ang kanyang tatlong termino bilang senador.

Paulo magpapapansin hanggang Hawaii

Hindi lamang naman pala sa ABS-CBN mamamayagpag ang dating Kapuso artist at dati ring StarStruck Avenger na si Paulo Avelino. Kapag nagkataon, puwede rin siyang makilala sa bansang Hawaii na magdaraos ng Hawaii International Film Festival sa Oct. 13 hanggang 23. Ang indie film niyang Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa ay isa sa mga pelikulang Pilipino na gustong makalahok sa filmfest.

Ang iba pa ay ang Thelma ng tambalang director Paul Soriano at Maja Salvador; Ligo na U, Lapit na Me; Rakenrol; Ang Babae sa Septic Tank; at Busong.

Nominado rin ang pelikula ni Paulo na kung saan ay kasama rin niya sina Jean Garcia, Rocco Nacino, sa Halekulani Golden Orchid Award para sa best narrative feature.

Tungkol ito sa kabataang lalaki na nalilito dahil unti-unti na niyang nararamdaman ang kanyang tunay na kasarian. 

Show comments