Kasal nina Sen. Bong at Rep. Lani inisnab ni ex-Pres. GMA

SEEN : Si Iza Calzado ang original Amaya dahil ito ang pangalan ng papel na ginampanan niya sa Atlantika, ang 2006 telefantasya ng GMA 7.

SCENE : Huhusgahan ngayong gabi ang Amaya, ang big-budgeted primetime show ni Marian Rivera sa GMA 7.

SEEN : Si Phillip Sal­vador at ang kanyang misis na si Emma Karen Ledesma ang bumulaga sa pintuan nang i-announce ang pagdating nina Sen. Bong Revilla, Jr. at Rep. Lani Mercado sa reception hall ng Harbour Tent ng Sofitel Philippine Plaza noong Sabado ng gabi.

SCENE : Maganda ang fireworks display nang dumating sina Sen. Bong at Rep. Lani sa reception hall.

Naka-check in hanggang ngayon sa Sofitel Philippine Plaza ang Revilla family.

SEEN : Sakay ng wheelchair si ex-Sen. Ramon Revilla, Sr. sa reception ng renewal of vows ng kanyang anak at manugang.

Sakay din ng wheelchair ang ina ni Congresswoman Lani nang dumating sa reception.

SCENE : Unseen si ex-President Gloria Macapagal-Arroyo sa mahalagang okasyon sa buhay ng mag-asawang Revilla.

Hindi dumalo ang isa sa mga original na ninang.

SEEN : Si Carlitos Siguion-Reyna ang proxy ng kanyang ina na si Armida Siguion-Reyna sa silver wedding anniversary.

Hindi nakauwi sa Pilipinas si Armida dahil hindi pa tapos ang US tour ng Aawitan Kita.

SCENE : Pinakamaagang umalis sa reception si TV5 owner Manny V. Pangilinan dahil may importanteng lakad pa siya.

Show comments