^

PSN Showbiz

Dennis nakakontrata na kay Iwa

- TV UPDATE -

MANILA, Philippines - Ngayong Lunes, March 14, sa GMA 7 sa Dwar­fina, hindi masasabi ni Fina (Heart Evangelista) ang katotohanan kay Lyndon (Dennis Trillo) dahil sa pagdating ni Lucille (Iwa Moto).

Malalaman pa ni Fina na alipin na ni Lucille si Lyndon ngayon. Hindi siya puwedeng lapitan at kausapin at susunod ito sa bawat utos ni Lucille.

Itatali kasi sa isang kontrata si Lyndon, kapalit ng kalayaan ng kapatid nito na si Chloe (Kylie Padilla). Mapipilitang pumayag ang lalaki sa kagustuhang iligtas ang kapatid.

Nag-alala naman si Gwendina (Pauleen Luna) sa lagay ni Elvin (Will De­vaughn). Hihingi siya ng tulong sa mga magulang na tuntunin ito pero hindi mahanap ng kapangyarihan ni Romera (Angelika dela Cruz) si Elvin. Kakabahan maging si Nuno Umberto (Tony Mabesa) na nakarinig ng usapan nila. Hindi na makakatiis si Gwendina, kakausapin na niya si Nuno Umberto. Dito lang niya malalaman na ang mga duwendeng hindi nakikita ga­mit ang kapangyarihan ay mga duwendeng naging alipin na ng tao! Iniisip naman ni Gwendina kung saan sa labas ng punso puwedeng magpunta si El­vin at mamanmanan nito si Dwarfina sa pag-asang doon niya ito makikita. Mun­tikang matunton ni Fina si Elvin sa kuwarto ni Selya (Chanda Romero) pero aabutan siya nito. Sasaktan ni Selya si Fina na siyang makikita ni Marissa (Janice de Belen). Magagalit si Selya sa pagkampi ni Marissa sa katulong nila, at dahil dito, lalong iinit ang dugo niya kay Fina. Pagdidiskitahan nito maging si Kardo (Cris Villanueva)! Hindi na makakatiis pa si Fina, lalaban na siya. Ipagtatanggol ni Fina si Kardo at walang masasabi si Selya. Tagumpay si Fina!

May kasunduan sina Fina at Lyndon na magkita sa may ta­bing-ilog para makapag-usap sila pero iipitin ni Lucille si Lyndon gamit ang kanilang kontrata. Hindi makakasipot si Lyndon sa usapan. Kung kelan handang-handa na si Fina na magpakilala sa kanya.

Dadalhin din ni Lucille si Lyndon sa bahay para sa isang celebratory dinner kasama ang magiging distributor ng Blue Metal brand. Makikita ni Fina ang pagiging malapit ni ­Lu­cil­­le kay Lyndon at makakaramdam siya ng selos. Lungkot na lungkot si Fina sa sitwasyon nila pero hahanap ng tiyempo si Lyndon para aluin siya. Mangangako itong tatapusin lang ang panahong nasa kontrata nila ni Lucille, at saka sila magiging malayang magtapat ng tungkol sa kanilang relasyon. Iiwan pa ni Lyndon ang cell phone niya kay Fina para makapag-usap sila kahit paano.

Makikita ni Selya na nagtatagpo si Fina at Lyndon sa bahay ng panakaw, at kokomprontahin siya sana ni Fina, pero makikita ni Selya sa akto ang pagliit ni Fina. Gulat na gulat si Selya!

* * *

Napanatili ng classic children’s show na Batibot ang hatak nito sa mga batang manonood, patunay na ang tuluy-tuloy na pag-angat nito sa ratings matapos magbalik-telebisyon noong Nobyembre 27.

Base sa datos ng Nielsen Media Re­search, mu­ling nanguna ang Batibot noong Sabado (Marso 5) sa Mega Manila na nagtala ng 30.4% audience share.

Sa nakalipas na 15 linggong pag-ere nito sa TV, ang all-new Batibot din ang mas piniling panoorin ng mga bata na may edad 2-12 taon sa Mega Manila sa timeslot nito (Saturday at 8:30 to 9:00 am) base sa naitalang average audience share na 31.5%, malayung-malayo sa mga katapat na programa nito.

Isang dekada matapos ang 18 taon ng matagumpay na pag-ere nito sa Philippine TV, inabangan ang pagbabalik ng most awarded at longest-running Filipino-produced children’s show sa telebisyon noong nakaraang taon.

Nakuha ng Batibot ang mahigit one third ng ka­buuang bilang ng manonood o 34% audience share.

“These figures speak for what kind of programs kids of today wanted and, at the same time, needed. Our stronghold among the young audience continues to drive us to offer better and relevant kids’ shows -- case in point the return of Batibot,” ayon kay Trina Ching, program manager ng TV5.

Abangan ang Batibot tuwing Sabado ng umaga, 8:30 hanggang 9:00 a.m at ang five-minute daily shorts nito tuwing 9:00 a.m at 4:00 p.m. sa TV5 Kids.

vuukle comment

BATIBOT

ELVIN

FINA

GWENDINA

LYNDON

MEGA MANILA

NITO

NUNO UMBERTO

SELYA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with