James Yap hindi pa handang ma-in love

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda () - March 7, 2011 - 12:00am

Mula nang mapahiwalay kay Kris Aquino ay marami ng babae ang nali-link kay James Yap. Ang pinakamatunog na pinag-usapan ay ang model-actress na si Isabel Oli. May nakakita raw kasi kina James at Isabel na magkasama sa isang mall kamakailan. Bagay namang nilinaw din ng aktres na nagkita lang talaga sila ni James pero mayroon silang ibang mga kasama.

Noong isang linggo ay muling umingay ang balitang may relasyon na talaga ang dalawa dahil nakita uli sila na magkasama naman sa New Resorts World sa Pasay City. Ngayon ay nagsalita na si James tungkol sa tunay na estado ng relasyon nila ng dalaga nang makapanayam ito ng entertainment reporter na si Ginger Conejero.

“Si Isabel, Cebuana din, ako Cebuano, mga Cebuano kumbaga ay magaan ’yung pakiramdam,” nakangiting bungad ng basketbolista.

Naikuwento rin ni James na nagpunta si Isabel sa nakaraan niyang birthday party.

“Na-invite ko siya. Okay ’yung presence niya sa birthday ko kahit walang regalo,” say ni James.

Pero nilinaw uli niya na magkaibigan lamang talaga sila ng aktres.

“Si Isabel naman, kaibigan ko talaga, ’di ko naman dini-deny ’yun na hindi ko siya kaibigan. Kaibigan ko siya, we’re not dating. Wala akong nililigawan, wala akong girlfriend. Wala akong dini-date, alam nilang single ako. Kung sino lang ang madikit sa aking babae, talagang ini-issue na. Hintayin lang nila na ako magsabi na ito na talaga. Ito na ’yung girlfriend ko, ito na ’yung nililigawan ko para wala ng issue,” pahayag ng basketball player.

Naniniwala rin si James na hindi tututol si Baby James kung sakaling magkaroon na siya ng bagong girlfriend, pero sa ngayon ay hindi pa talaga siya handa na muling pumasok sa isang relasyon.

“I’m not ready. Focus muna ako sa paglalaro ko. Mahirap ’yung pumasok sa isang relasyon na ’di ka pa ready. Darating din naman ’yung time na ready ka na,” dagdag pa ni James.

Samantala, masaya ang basketbolista sa patuloy na gumaganda nilang friendship ni Kris dahil kamakailan ay kinonsulta pa niya ang queen of all media sa plano niyang pagbili ng isang condominium unit.

“Ngayon mas cool kami. Sa advice okay naman, gaya ng kung ano ang mga puwedeng gawin, isa ’yung sa condo. Wala namang masama na magtanong sa kanya, may pinagsamahan naman kami.

“Lumalaki na si James, pangit naman na nakikita niya ang mama at papa niya na hindi nagkakasundo, nag-aaway. At least ngayon, nagpapasalamat ako kay Kris na napagbigyan niya ’yung kagustuhan ng anak namin na maging okay kami,” pahayag ni James.

Jewel nakukultan kay Gerald

Noong una ay hindi pa komportable sina Gerald Anderson at Jewel Mische sa isa’t isa dahil first time nilang magkasama sa TV project na Buhawi Jack. Ngayon ay super close na ang dalawa at nag-level up na rin ang kanilang friendship.

“Sobrang kulit niyang si Gerald. Ang saya-saya sa set, we are having so much fun doing the project. Dati medyo getting to know, medyo ’di pa kami komportable. Ngayon I would say na umakyat na ’yung level ng pagiging komportable namin sa isa’t isa,” sabi ni Jewel. — Reports from JAMES C. CANTOS

           

BABY JAMES BUHAWI JACK CEBUANO JAMES NGAYON SI ISABEL WALA YUNG
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with