GMA valentine special ni Charice ipalalabas na!
() - February 11, 2011 - 12:00am

MANILA, Philippines - Sa Linggo (Pebrero 13) na mapapanood sa GMA 7 ang international singing sensation na si Charice Pempengco sa isang inspiring Valentine offering na Charice : Home for Valentine’s.

Kilala sa buong mundo bilang Charice, ang world-class Pinay na ito ay aabangan sa kanyang unang proyekto sa GMA na siya ring pinakaunang Philippine TV concert special niya. Ito ay eere nang 9:30 p.m. sa bisperas ng Valentine’s Day.

Bukod sa pagpapakita ng galing sa pagkanta, magiging mas personal si Charice dahil ikukuwento niya ang kanyang journey from rags to riches – mula sa isang ordinaryong Pinay na nangarap hang­­gang sa pagi­ging isang promising at sikat na young superstar sa Hollywood.

Ipapaloob ang ku­­­wento ng buhay ni Charice sa kanyang mga paboritong kanta at aawitin niya ang mga ito kasama ang Kapuso artist na sina Michael V., Ogie Alcasid, Rachelle Ann Go, at Elmo Ma­ga­lona.

Pakinggan din ang kanyang future plans sa 2-hour television special na ito sa ilalim ng musical direction ni Homer Flores at TV direction ni Louie Ignacio.

Ang Charice: Home for Valentine’s ay mapapanood pagkatapos ng Kap’s Amazing Stories sa Linggo, Pebrero 13, 2011, 8:30 ng gabi sa GMA 7.

AMAZING STORIES ANG CHARICE CHARICE CHARICE PEMPENGCO ELMO MA HOMER FLORES LOUIE IGNACIO MICHAEL V OGIE ALCASID SHY
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with