Gladys naloka sa unang sabak sa MTRCB
- TALONG ANONYMOUS () - February 11, 2011 - 12:00am

TRUE : Kamakalawa lang nagsimula si Gladys Reyes na pumasok sa MTRCB bilang isa sa mga board member nito.

Pinahulaan sa amin kung anong unang pelikulang ni-review niya.

 “Dating pelikula ng Seiko Films hahaha!” bahagi ng text nito sa amin.

Sa rami ng pelikulang puwede niyang i-review for the first time, bold film na pina-reissue pa raw ng Seiko Films ang natapatan niya.

Si Klaudia Koronel pa raw ang bida na kapatid pa niya sa Iglesia ni Kristo at tumigil na rin sa pagpapa-sexy ngayon.

Hindi na niya sinabi sa amin kung ano ang rating na ibinigay niya. Basta enjoy daw siya sa bagong responsibilidad na ibinigay sa kanya.

TANONG : Hindi na nga ba matutuloy ang honeymoon nina Ogie Alcasid at Regine Velasquez sa April?

Bago pa ang kanilang kasal ay sinabi na ni Ogie na gusto niya sa Positano, Italy sila magha-honeymoon at gagawin daw nila ito sa April. Pero sa rami ng ginagawa nila ngayon ay mukhang maaantala na naman at hindi pa masabi ni Ogie kung kalian nila ito itutuloy.

Abala si Regine sa I Heart You Pare, at si Ogie ay tambak ang trabaho bilang president ng Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit o OPM.

May bago siyang project na OPM@PAGCOR na isang nationwide singing competition na gagawin sa PAGCOR, sa tulong ng AVP for Entertainment ng PAGCOR na si Bong Quintana.

Pinagkakaabalahan din ni Ogie ang bagong posisyong ibinigay sa kanya ng Malacañang bilang Commissioner on EDSA People Power Movement.

Marami raw silang nakahandang programa sa pagdiriwang ng anniversary ng EDSA People Power.

Baka ang ending daw nila, sa kanilang wedding anniversary na lang nila sila mag-honeymoon.

TOTOO KAYANG engaged na sina Kyla at ng matagal na niyang basketbolistang boyfriend na si Rich Alvarez?

Kapansin-pansin na raw ang singsing na suot nito sa Party Pilipinas nung nakaraang Linggo pero bigla raw itinago nito.

Sa Soulmates concert nila ni Jay-R mamayang gabi na gagawin sa The Establishment ay may sorpresa raw si Kyla para kay Rich. Announcement na kaya ng engagement?

TSIKA LANG : Congratulations sa lahat na cast at bumubuo ng My Valentine Girls sa box-office success nito.

Nung nakaraang Martes ang premiere night ng pelikula at talagang dinumog ito ng kanilang mga fans lalo na ang kay Richard Gutierrez.

BONG QUINTANA GLADYS REYES I HEART YOU PARE KLAUDIA KORONEL KYLA MY VALENTINE GIRLS OGIE OGIE ALCASID PARTY PILIPINAS SEIKO FILMS
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with