KC at Gabby tahimik na bonding ang gagawin sa US
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda () - November 11, 2010 - 12:00am

Noong Martes ay umalis na sa bansa si KC Concepcion para mag-show sa U.S. kasama ang kanyang amang si Gabby Concepcion, Derek Ramsay at Matteo Guidicelli. “All this time ang akala ko ay guest ako ni papa sa show, ‘yun ang nakakatawa doon, tapos sabi ko sa handler ko ay hingin naman natin ‘yung study CD sa mga kakantahin. Pag-receive ko, parang ang daming kanta, like mga twelve na kanta. Okay, ilan ang kakantahin nina papa saka nina Matteo at Derek? Sabi, siguro mga three songs each. Oh okay, excited po ako sa show ko,” natatawang kuwento ni KC.

Masayang-masaya si KC dahil mararanasan niyang magpasaya ng mga Kapamilya natin sa ibang bansa. “Gusto ko lang din makita ‘yung mga kapamilya natin sa States. Gusto ko rin namang makasama ‘yung ibang tao sa pagkanta for them kasi usually kasama ko si mama sa tour niya, and this time parang I have two months na parang dine­dicate namin sa music kasi my album KC under Sony music is still out­. It will be nice to have a little bit of singing opportunities outside the country,” dagdag pa ni KC.

Excited din si KC dahil magkakaroon siya ng chance na makipag-celebrate sa birthday ni Gabby na silang dalawa ang magkasama. “Malamang ay isang malaking selebrasyon na bonding, siguro ay tahimik na bonding. Nakausap ko si mama bago ako umalis. Excited siya, napag-usapan nga raw ‘yung dalawang shows niya and sabi lang niya ay have fun and spend time with your papa,” pagtatapos pa ni KC.

Angelica Panganiban, napipikon na kay Derek

Kamakailan ay nag-celebrate sina Angelica Panganiban at Derek Ramsay sa Hong Kong dahil nagwagi ang Philippine Team nina Derek para sa Ultimate Frisbee Championship. “Nagpunta ako doon para manood ng game niya. Pagdating ko, siguro around 4:30 ng hapon, nagmamadali ako, nag-train ako ganun, sabi niya, oh huwag ka nang pumunta kasi nanalo na ako. Sabi ko, ang bilis naman. Sayang, di ko napanood pero ang maganda doon ay nanalo sila,” pahayag ni Angelica.

Naging Masaya rin daw ang bonding ng magkasintahan sa Hong Kong. “Kumain, nag-ikot, pahinga, kain lang kami nang kain kasi sobra kaming mahilig sa Chinese Food, so nae-enjoy namin ‘yun,” kuwento pa ni Angelica.

Minsan daw ay napagsasabihan na ni Angelica si Derek dahil sa health condition ng kanyang boyfriend. “Matigas talaga ang ulo nun, sabi ko ay hinay-hinay lang sa pagpi-frisbee pero passion niya talaga iyon eh. Talagang mahal na mahal niya yung paglalaro ng Frisbee. So hindi ko naman siya kino-control as much as ganun siya kasaya kapag nanalo siya, parang priceless ‘yung mga ganung moments,” pagwawakas pa ni Angelica. - Reports from JAMES C. CANTOS

AKO ANGELICA PANGANIBAN CHINESE FOOD DEREK DEREK RAMSAY GABBY CONCEPCION HONG KONG LSQUO MATTEO GUIDICELLI
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with