^

Kris tahimik!

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista () - November 7, 2010 - 12:00am

Naging guest si President Noynoy Aquino sa blessing at dedication ng ABS-CBN sa ELJ Communications Center at launching ng Christmas campaign ID na inere sa TV Patrol noong Huwebes.

Dumalo rin si Kris Aquino kung saan sa maikling talumpati ni P-Noy ay tinawag niya itong ‘tahimik’ na ikinatuwa ng mga bisita.

 Nagsama-sama rin sa nasabing okasyon ang ABS-CBN executives, mga empleyado at mga pa­nauhin para sa pagdiriwang ng ika-82 birthday anniversary ng yumaong Chairman ng ABS-CBN na si Geny Lopez.

Inamin naman ni Gabby Lopez na sa ikatlong pagkakataon ay natuloy din ang blessing at dedication ng ELJ Communications Center kung saan sampung taon na ito.

 “Noong unang pasinayaan ito ay nagkaroon ng bagyong Reming at sa ikalawang pagkakataon ay impeachment naman ni dating Pangulong Joseph Estrada. Natuloy na rin ito ngayon sa wakas kay Pangulong Noynoy Aquino.”

*    *    *

Natutuwa kami sa aming anak-anakang si Glaiza de Castro dahil ratsada ang career nito ngayon. Kaya lang dapat ay maghinay-hinay siya sa kanyang kalusugan. Itinakbo ito sa ospital kamakailan nang mag-collapse dahil sa hyper-ventilation sanhi ng over-fatigue.

Okey na siya ngayon at kailangan lang ng pahinga. Naapektuhan din kasi siya kapag nadadala ng emosyon sa mga eksenang iyakan sa Grazilda.

*    *    *

Hindi pinalalampas na panoorin ng aking mga pamangkin ang Pidol’s in Wonderland ng TV5 dahil pambata ito. Excited na nga sila dahil mapapanood kung paano nagsimula ang pinakamaliit na isdang ga-luha ang anyo. Gamit din nila sa kanilang pag-aaral laluna sa Elementary School ang mga alamat.

Mapapanood ito ngayong gabi.

COMMUNICATIONS CENTER DUMALO ELEMENTARY SCHOOL GABBY LOPEZ GAMIT GENY LOPEZ KRIS AQUINO PANGULONG JOSEPH ESTRADA PANGULONG NOYNOY AQUINO
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with