^

PSN Showbiz

James sumibat pa-Amerika

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Bitin ang pamamasyal ni Jillian Ward sa Hong Kong Disneyland kaya nagpaplano ang kanyang pamilya na bumalik doon.

Nag-taping sa Hong Kong ang Trudis Liit. Limitado ang oras ng pamamasyal ni Jillian sa Hong Kong dahil kinunan muna ang mga eksena niya.

Babalik na lang si Jillian sa Hong Kong para masulit ang paglalamyerda niya sa Disneyland.

*    *    *

Naka-hold ang Love Bug episode na pinagbibidahan nina Lovi Poe at Rocco Nacino. Kinunan sa Palawan ang episode pero hindi pa ito mapapanood dahil uunahin ang airing ng Love Bug episode na tatampukan nina Lovi at Mark Anthony Fernandez.

Knowing Rocco, tiyak na na-disappoint siya sa nangyari. Kahit sino ang artista na nasa lugar ni Rocco, siguradong madidismaya.

*    *    *

Tuloy ang pagsasapelikula sa Temptation Island at mangyayari ito sa 2011. Ang Regal Films ang produ ng pelikula na hindi puwedeng sabihin na remake dahil binago ang kuwento.

Ang sey ni Roselle Monteverde, inspired lang ng original version ang Temptation Island na tatampukan ng mga bagong henerasyon ng mga artista.

Si Chris Martinez ang direktor ng pelikula. Siya ang direktor ng hit movie na Here Comes The Bride.

*    *    *

Mala-Temptation Island ang drama ng 18 castaways ng Survivor Philippines: Celebrity Showdown.

 Ayokong i-preempt ang pilot episode ng reality show ni Richard Gutierrez pero sure ako na makiki-agree kayo sa aking opinyon na mala-Temptation Island ang plot ng show.

Ngayong gabi ang presscon ng Survivor Philippines. Pormal na ipapakikilala ng GMA 7 ang mga castaway na puwedeng tanungin sa kanilang mga experience sa isla pero pinagbawalan na magkuwento sa mga nangyari sa show.

Marami na ang nag-aabang sa Survivor Philippines dahil gusto na nilang mapanood ang mga drama ng mga contestant. Siyempre, type ng viewers na ma-witness ang mga kaseksihan ng ilan sa mga castaway.

*    *    *

Nasa vacation mode na si James Yap dahil natuloy na ang biyahe niya sa Amerika para sa isang much-needed vacation.

Ang pagpunta ni James sa US ang isa sa mga dahilan kaya pinilit niya na makita si Baby James bago siya umalis sa Pilipinas.

Pero bago nagbabu si James, nagpainterbyu muna siya sa mga showbiz talk show tungkol sa mga nangyayari ngayon sa kanyang buhay.

Marami ang naninibago kay James dahil open na siya sa mga TV interview. Hindi katulad nang dati na umiiwas siya na magsalita. Palaban na rin si James dahil tinatapatan na niya ang mga pagpapainterbyu ng kanyang future ex-wife.

vuukle comment

BABY JAMES

CELEBRITY SHOWDOWN

HONG KONG

LOVE BUG

SURVIVOR PHILIPPINES

TEMPTATION ISLAND

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with