Anak ni Marya sina Kim at Maja ang target

Kung may guest appearance ang Diamond Star na si Maricel Soriano sa Pilyang Kerubin sa GMA 7, hindi malayo ang posibilidad na magka­roon ito ng hiwalay na project at nabalitaan nga namin ang isang TV sitcom na pagsasamahan nila ni Cesar Montano na matagal niyang naka­sama sa Kaya ni Mister, Kaya ni Misis sa ABS-CBN.

Gumawa man si Marya ng five-episode drama anthology sa TV5, hindi exclusive ang kanyang pi­nir­mahang kontrata.

Si Marya ay nasa pangangalaga ngayon ng kanyang kaibigan at top lady executive ng Tele­vision and Production Exponents, Inc. (TAPE) at producer ng Eat Bulaga na si Malou Choa-Fagar.

Samantala, hindi ikinakaila ni Marya na may nobya na ang kanyang panganay na anak na si Marron na hindi naman kataka-taka dahil 23 anyos na ito. Ang bunso naman niyang si Tien-Tien (17) ay may crush kina Kim Chiu at Maja Sal­vador.

Kapag libre ang schedule nilang mag-iina ay luma­labas at namamasyal silang magkakasama - ka-date ni Marya ang kanyang dalawang anak na lalaki. 

Kung si Marya lamang ang masusunod, ayaw niya munang mag-asawa ang kanyang panganay na si Marron dahil gusto niya itong mag-enjoy sa kanyang pagka-binata.

* * *

Walang alinlangan na mahusay na aktor si Baron Geisler pero ang kanyang husay sa acting ay nababahiran ng masama kapag umaandar ang kanyang pagka-alcoholic at nakakagawa siya ng mga bagay na nakakasama sa kanyang imahe bilang isang aktor at kilalang personalidad.

 Ang pinakahuli niyang ‘nabiktima’ ay si Julia Clarete. Pero nangako na umano si Baron na ititigil na niya ang kanyang bisyo sa pag-inom dahil meron na siyang inspirasyon ngayon, ang kanyang live-in girlfriend, ang Fil-Australian na si Rachel Stephenson na magdadalawang-taon na niyang kasintahan.

Sana nga, magtuluy-tuloy ang pagbabago ni Baron dahil isa siya sa pinakamahusay na aktor sa kanyang henerasyon. Actually, Salve A., he reminded us of John Regala noon na isa ring mahusay na aktor pero ma­dalas ma-involve sa gulo dahil din sa bisyo.

* * *

Si Kris Aquino lamang ang nawala sa The Buzz pero dalawa ang kanyang kapalit - sina Char­lene Gonzales at Toni Gonzaga na pareho ring magaling mag-host. Pero ang komento lamang ng ibang followers ng programa, tila nalimitahan ang exposure ng King of Talk na si Boy Abunda sa programa considering na ang The Buzz ay very much identified kina Boy at Kris. Iba’t ibang female co-host ang nakasama ni Boy sa The Buzz pero hindi siya natitinag dahil siya ang original at main host ng programa.

* * *

Personal : Get well soon sa ating kaibigan, ang talent manager at busi­nessman na si Wyngard Tracy na naka-confine ngayon sa Makati Medical Center.

Show comments