Gilbert hindi spoiled brat

MANILA, Philippines - Ngayon pa lang ay gumagawa na ng pa­ngalan si Gilbert Remulla sa bagong hene­rasyon ng mga pulitiko. At kahit ipina­nganak sa angkan ng mga kilalang Remulla ng Cavite, hindi naging spoiled brat ang dating kon­gresista na tumatakbo na ngayong senador.

Hindi stranger si Gilbert sa showbiz, nahasa na siya sa broadcasting dahil ito ang kanyang kurso sa UP-Diliman at naging intern pa ni Sen. Loren Legarda bilang re­porter noong kasagsagan ng trahedya sa Ozone Disco. Iniwan niya ang pagiging local broadcast journalist nang kumuha ng masteral sa kursong international affairs sa Columbia University sa New York. Nagkaroon din siya ng pagkakataong makapagtrabaho sa CNN at United Nations.

Sa kanyang pag-aaral sa Columbia, nakilala niya ang napangasawang si Georgia Roa na galing naman sa angkan ng mga Diaz. Pamangkin siya nina Gloria, Isabel, at Rio. Biniyayaan sila ng tatlong anak.

Naging matapang na congressman ng 2nd District ng Cavite si Gilbert dahil nanguna siya sa imbestigasyon ng Hello Garci scandal. 

Nang magpahinga sa pulitika noong 2007, pinili niyang mag-host ng Kabuhayang Swak na Swak para makatulong sa maliliit na negosyante. 

Ngayong taon, iba naman ang pagkakaabalahan ni Gilbert. Gusto niyang muling magamit ang galing sa maraming bagay.

Manok ng mga kabataan si Gilbert na tumatakbong senador.   

Show comments