_ngayon
^

PSN Showbiz

Teen Housemates ni Kuya, kumpleto na!

-

MANILA, Philippines - Wala nang maka­pipigil pa sa salpukan sa Bahay ni Kuya sa pagpasok ng huling housemate na si Maichel Fideles noong Linggo (Abril 11) sa Pinoy Big Brother Teen Clash of 2010.

Pinalitan ng Cou­rageous Lakan ng Samar ang isang dalagitang napasama sa listahan ni Big Brother ngunit hindi makakatuloy dahil sa isang karamdaman.

Sa opening ng PBB house noong Sabado (Abril 10) sa PBB Teen Clash of 2010: Let the Clash Begin, unang nasulyapan ang 15 housemates ni Kuya na hinati sa dalawang grupo.

Sa Villa pinapasok si Maichel kasama ng iba pang sanay sa simpleng pamumuhay na sina Joe Vargas, ang Swabeng Komikero ng QC, Devon Seron, ang Bubbly Promdi ng Cebu, Shey Bustamante, ang Diskarte Bombshell ng Mindoro, Angelo Pasco, ang Struggling Isko ng Antique, Eslove Briones, ang Sigang Istokwa ng Tawi-Tawi, Kyra Custodio, ang Giling Girl ng Batangas, at si Yong Gopez, ang Boy Breadwinner ng Pampanga.

Samantala, walong kabataan naman na naka­ranas ng komportableng pamumuhay ang nanini­rahan sa Apartment ng PBB house. Kabilang dito sina Romeo Jalosjos, ang Political Son ng Dipolog, Rebecca Chiongbian, ang Heiress Wonder ng Cebu, Yen Santos, ang Little Miss Sunshine ng Nueva Ecija, Tricia Santos, ang Athletic Muse ng Davao, Patrick Sugui, ang Gentle Boy-Next-Door ng Mandaluyong, Kazel Kinouchi, ang Shopaholic Chick ng Parañaque, Ivan Dorschner, ang Striking Stud ng Rizal, at si Fretzie Bercede, ang Charming Angel ng Cebu.

Sumabak kaagad sa isang special task na tinawag na FACEBOOK-O ang mga kabataang Pinoy. Dito, kinailangang ma-perfect ng bawat grupo ang pagma-match ng mukha at pangalan ng mga housemates sa kabilang bahay. Ang grupong magkakaroon ng kahit isang pagkakamali ay maba­bawasan via eviction, sa darating na Sabado (Abril 17).

ABRIL ANGELO PASCO ATHLETIC MUSE BIG BROTHER BOY BREADWINNER BUBBLY PROMDI CEBU CHARMING ANGEL DEVON SERON DISKARTE BOMBSHELL
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with