Kahit araw-araw in love: Vic at Pia malabo pa ring magpakasal

MANILA, Philippines - Araw ng mga Puso noong Linggo at talaga namang kulay rosas ang kapaligiran. Ilan sa mga celebrity couples na nagdiwang ay ang magnobyong sina Pia Guanio at Vic Sotto. Pagkatapos magsimba ay nag-dinner sila.

Ayon sa magandang TV host, araw-araw na­man sa kanila ay Valentine’s Day dahil ipinakikita nila ang pagmamahal sa isa’t isa seven days a week.

Ganumpaman, malabo pa rin ang pagpapa­ka­sal nina Vic at Pia dahil nag-e-enjoy pa sila bilang magnobyo.

* * *

Hindi mahilig sa magagarang bag at damit si Jennica Garcia at lahat ng kinikita nitong pera ay di­ret­so sa bangko. Okay lang sa kanya na gumamit ng second hand na bag na hinihiram lang sa kan­yang mommy para makatipid.

Alam nito ang kiliti ni Jean Garcia kaya kapag nagka­katampuhan sila ay madali niyang ma-patch up. Maglalambing lang siya sa ina.

Nagkaroon ng higit na bonding ang dalawa sa Ina, Kasusuklaman Ba Kita? ng GMA 7 dahil araw-araw ay magkasama sila.

* * *

Nagbabalik si Meryl Streep (two-time Aca­demy Award winner) sa nakakatuwang pelikulang It’s Complicated bilang si Jane Adler.

Ang romantic-comedy na It’s Complicated ay sa direksiyon ng Academy Award-nominated filmmaker na si Nancy Meyers.

Kasama rin si Alec Baldwin bilang kapareha ni Meryl sa pelikula.

Palabas na sa Peb. 24 mula sa Solar-UIP.

* * *

Ibang-iba ang hitsura ni Cynthia Patag nang aming mapanood sa SOP noong Linggo. Parang nagbago ang kanyang mukha at hindi namin siya na­kilala. Naging kaibigan namin siya noong Palib­hasa Lalake days.

Magaling itong singer lalo na kapag bumirit. Sana maisama uli siya sa isang concert.

Show comments