Richard spokesperson sa arts month ng NCCA

MANILA, Philippines - Si Richard Gutierrez ang nahirang ngayon na spokesperson ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) para sa National Arts Month-Philippine International Arts Festival (NAM-PIAF) 2010.

Kamakailan lang ay nasa Malacañang Palace si Richard kasama ng mga ilang government officials sa pangunguna ng NCCA executive director na si Cecile Guidote-Alvarez. Inilawan ni Richard ang logo ng NAM-PIAF at nag-ribbon-cutting sa art exhibit na pinamagatang Ani ng Sining sa Malacañang.

Ang pagiging environmental hero ng aktor ang malaking dahilan kung bakit siya ang napili para maging NAM-PIAF spokesperson sa taong ito.

Matatandaan na naging parte si Richard sa GMA 7 special shows na Signos, Full Force Nature, Planet Philippines, at Ondoy Special.

Magtatapos na ang romantic comedy TV series na Full House na kapareha si Heart Evangelista at magsisimula naman ang fantasy adventure na Captain Barbell sa kanyang home network na sinasabing tatlong aktres ang ipapareha sa kanya.

Show comments