Bagong ikaw nasa Life And Style

MANILA, Philippines - Sawa na ba kayo sa mga dating paraan ng pag­pa­paganda o beauty regimen? Nais n’yo bang gu­la­tin ang inyong mga kakilala’t kaibigan sa pa­ma­ma­gitan ng isang ’bagong ikaw’?

Watch kayo ng Life and Style with Gandang Ricky Reyes ngayong Linggo sa QTV-11 mula alas-diyes hanggang alas-onse ng umaga dahil usa­pang-kagandahan ang itatampok.

Nag-imbita ang host-producer na si Mader Ricky ng mga sikat na panauhin para maka­tsi­ka­han tulad ng mga Starstruck members na sina Rich Asuncion, Dion Ignacio, at Dex Quindoza na sasampulan ang mga bago at pinakamainit na ‘gadgets’ na pampabyuti at pampapogi.

Pagsasayaw ang hilig at libangan ng Dance Divang si Regine Tolentino at Sexbomb Aira Ber­mu­dez. Kasaliw si Rich na isa namang beauty queen ay magpapakita sila kung paano masarap mag-Belly Dancing at Pole Dancing na mabilis mag­pa­baba ng timbang. May gagawin din silang mada­daling ehersisyo na nakakaliit ng iba-ibang parte ng katawan.

Ayon kay Mader Ricky, ”Magandang excuse sa mga lalake’t babae ang pagsapit ng isang bagong taon para magsikap na magkaroon ng bagong anyo. Siyempre, di lang ayos ng buhok o pa­­na­­namit ang dapat baguhin. Tiyempo na rin ito para magpaganda ng katawan at muling magka­roon ng self confidence na tila nagbababoo pag su­mobra ang katabaan o kapayatan ng isang tao.”

Show comments