Pamaskong Handog ng Life and Style

MANILA, Philippines - Tulad ng maraming Kristyano ay naniniwala si Mother Ricky Reyes na ang panahon ng Kapaskuha’y pagmamahalan, pagsasamahan at pagbibigay ng ligaya sa mga tao, lalo na ang mga dahop sa buhay at may karamdaman.

Samahan natin ang host-producer ng QTV-11 Sunday show na Life and Style with Gandang Reyes ngayong Linggo ng umaga sa pagganap niya bilang Santa Claus.

Unang hinandugan ng mga laruan, pagkain, vitamins at dextrose ng LSWGRR ang mga batang may cancer sa Munting Paraiso ng Phil. General Hospital. Naging sponsor din ang Women in travel, Fil-Hair Coop officers at mga manager ng Ricky Reyes salon.

Kasunod nito’y ang pagpapasaya sa mga batang nagpapagamot sa Metro Manila na nagmula sa malalayong lugar. Ang mga ninong at ninang ng mga bata’y sina Ms. Joy Belmonte, St.Luke’s Ladies, Rotary Club of Salcedo Makati, SC Johnson at G. Cris Aquino ng Tra­velpros.

Binigyan din ng No­che Buena package ang napiling tatlong pa­milya na naging biktima ng bagyong Ondoy.

Ipapasyal pa tayo sa tahanan ni Mother Ricky Reyes kung saan ilala­had niya kung paano niya ipinagdiriwang ang Pasko kasama ang kan­yang pamilya.

Show comments