Special edition album ng Pupil labas na

MANILA, Philippines - Nasaksihan ng marami, kahit malakas pa ang ulan, ang launching ng special edition CD ng Pupil kamakailan sa Sky Dome sa SM North EDSA. Pinamagatang Wildlife: Special Edition, ito rin ang nagsilbing selebrasyon ng ika-apat na taon nila sa music industry.

Ang Pupil na binubuo nina Ely Buendia, Yan Yuzon, Dok Sergio, at Wendell Garcia ay nagpaunlak sa crowd ng mga hit songs nilang Disconnection Notice, Here I Go Again, Matador, Sumasabay, Talon, at ang latest single na Different Worlds na kasama sa special edition package.

Kasama rin sa two-disc Wildlife: Special Edition ang Sala, Monobloc, at Teacher’s Pet. May bonus pang demo tracks, music videos, at ang five-track live EP na dagdag sa original album.

Mabibili na ang espeyal na album ng Pupil na sinuportahan ng Sony Music, Coke Zero, Levi’s, Puma, Ray-ban, at NU 107.

Show comments