Katrina tumatanggi sa trabaho

Baka sa rami nang naghihintay na mabuntis si Judy Ann Santos ay lalo lamang maudlot ang pagdadalang-tao niya. Kaya ang mabuti pa ay hayaan na lamang natin sila ni Ryan Agoncillo na sumolusyon sa problemang ito para hindi sila ma-pressure at magka-anak sila sa tamang panahon at sa panahong inilaan ng Diyos para sa kanila.

* * *

Nakikiramay ako sa pamilyang naiwan ni Douglas Quijano, talent manager to many celebrities and stars –Richard Gomez, Lucy Torres, Joey Marquez, Anjo Yllana, Jomari Yllana, Gelli de Belen, Nadia Montenegro, Janice de Belen, John Estrada at marami pang iba - sa maagang pagkamatay nito na dulot ng kanyang karamdaman. Isang malaking kawalan si Douglas sa industriya na kanyang minahal.

* * *

Si Katrina Halili naman ay ayaw pa munang tumanggap ng trabaho. Siguro, hinihintay muna niyang matapos ang kanyang kaso para malaya siyang makagalaw at makapag-isip ng mabuti, hindi kasi mangyayari ito habang kabi-kabila ang imbitasyon sa kanya ng mga ahensiyang pinagsampahan niya ng kaso at habang iniisip pa niya ang kahihinatnan ng mga kasong isinampa niya.

Sana hindi naman totoo na nagko-contemplate siyang iwan na ang kanyang pag-aartista at mamirmihan na lamang sa Palawan na kung saan naroon ang kanyang pamilya. Doon masisiyahan na siya dahil hindi dun makakatuntong si Hayden Kho na idineklarang persona non grata ng kanyang probinsiya bilang pakikiisa sa kanyang laban.

* * *

Congratulations nga pala kay Geneva Cruz dahil siya ang napiling sexiest vegetarian ng Pilipinas ng animal rights organization na People for the Ethical Treatment of Animals (PETA). Ang counterpart niya ay si Barbie Hsu, San Chai ng Meteor Garden, na sexiest naman sa buong Asya. Marami itong tinalong mga mas popular na tao at celebrities para makuha ang titulo. Geneva defeated Yasmien Kurdi, among others.

Aba, ganun kaya ang resulta ng mga kumakain na lamang ng gulay, mas gumaganda sila at nagiging sexy? Ako rin naman hindi maka-karne, bawal na sa kalusugan ko ang pagkain nito ng madalas pero, kumakain pa rin naman ako. Siguro kung pangangatawanan ko papayat din ako, ano sa palagay n’yo?

Show comments