Charice may Inspiration

MANILA, Philippines - Ang international singing sensation at platinum recording artist na pinahanga ang buong mundo sa kanyang kakaibang tinig, pupukawin muli ni Charice ang kanyang libu-libong mga tagahanga sa kanyang pinaka-bagong album na My Inspiration, sa ilalim ng Star Records.

Marami nang napatunayan si Charice. Ang totoo nga’y papunta na siya sa tinatawag na superstardom sa rami ng kanyang international guestings tulad ng sa The Ellen De Generes show, Paul O’ Grady at sa Oprah. Naka-attend na rin siya ng concert ng mga sikat na singing icons tulad ni David Foster at Andre Bocelli. Nakasama na rin si Charice sa mga malalaking events tulad ng the Oscars Ball at ang pre-inauguration ni President Barrack Obama.

Sa rami nang narating ni Charice, dapat rin talagang bigyang pugay si Charice sa kanyang matibay na relasyon sa kanyang ina, ang ugat at rason ng kanyang pangalawang album.

Isang orihinal na awitin ang carrier single ni Charice sa kanyang bagong album na may pamagat na Always You. Ang iba pang kanta sa My Inspiration ni Charice ay ang Wind Beneath My Wings, I’ll Be There. Mama, For Mama, You’ll Never Stand Alone, You Raised Me Up, Through The Years, In My Life at You & Me Against The World (with Charice’s Mommy Raquel).

Show comments