Kapayatan ni Joyce, nakakaalarma

 Seen : Ang mga bulaklak, sulat at cards na iniiwan ng fans sa puntod ni Rudy Fernandez sa The Heritage Park. Ang mga bulaklak, sulat at cards ang paraan ng kanilang pag-alala sa memorya ni Rudy.

Scene : Idinenay ni Snooky Serna ang mga tsismis na nagkaroon siya ng ectopic pregnancy. Marami ang ayaw maniwala sa denial ni Snooky. Inuunawa na lamang nila ang aktres, alang-alang sa kanyang dalawang anak.

Seen : Ang tarpaulin ng kambal na anak ni Marvin Agustin sa Morato Avenue. Ginamit ang litrato ng kambal upang i-promote ang school na pag-aari ng kanilang ina.

Scene : Ang sex video na iniuugnay kay Victor Basa. Maaaring sabihin ni Victor na look-alike lamang niya ang lalake sa video dahil marami siyang kamukha. Wala sa karakter ni Victor ang masasangkot o gagawa ng malaswang video.

Seen : Hindi na refreshing tingnan  si Joyce Jimenez. Nakakaalarma ang kanyang kapayatan. Kailangang magdagdag siya ng timbang upang bumalik ang kanyang pagiging ‘Pantasya ng Bayan.’

Scene :  Ang nag-improve na acting ni Gabby Concep­cion sa Iisa Pa Lamang. Komportable na uli si Gabby sa pag-arte sa harap ng kamera. Ibang-iba na ang kanyang pagganap. Hindi na siya naninibago tulad ng nangyari sa kanyang guesting noon sa Maalaala Mo Kaya.

Show comments