^

Ruffa, gustong pabalikin sa Turkey ni Yilmaz

ISYU AT BANAT - Ed de Leon () - July 20, 2007 - 12:00am

Natensiyon na na­man daw si Ruffa Gu­tierrez nang mapanood ang interview sa kan­yang asawang si Yil­maz Bektaz, kung saan sinasabi noon na po­sible siyang maku­long nang hanggang labin­dalawang taon dahil sa pagkuha ng mga doku­mento habang siya ay nasa Turkey nang hindi inaaming kasal siya sa isang Richard Daloia. Perjury ang tawag sa kasalanang iyon, na sinasabi niyang isang mabigat na kaso sa Turkey.

Iginigiit din ni Yilmaz na kailangang magbalik sa Turkey si Ruffa para panagutan ang mga kasong isasampa sa kanya ng Turkish gov­ern­ment.

Mukhang malabo yata yan. Noong ku­muha ng drivers’ li­cense, marriage license at kung anu-ano pang dokumento si Ruffa sa Turkey, mayroong pre­sumption na kasal siya kay Yilmaz Bektas, at naroroon din ang pre­sumption na balewala na ang kasal nila ni Daloia.

Ibig sabihin, hindi sinadya ni Ruffa na dayain ang Turkish gov­ernment, at hindi naman niya ginamit sa anu­mang krimen ang mga dokumentong yon.

Ikalawa, ano nga ba ang pinakamabigat na pa­ru­sang ma­aaring ipa­taw ng isang bansa sa isang ta­ong hindi na­man nila citizen kagaya ni Ruffa kung di ang de­portation? Eh ano pa ang pag-uusapan eh wala na naman sa Turkey si Ruffa, narito na siya sa Pilipinas?

Huwag ninyong sa­bihing pababalikin pa siya roon para lamang isauli sa Pilipinas. Isa pa, hindi iyan isang crime against the state, kaya ni hindi ma­papabalik si Ruffa sa Turkey kung ayaw niya, at saka isa pa, wala na­man yata ta­yong extra­dition treaty sa Tur­key eh, wala nga ta­yong embassy doon.

Maaamoy mong ang gustong mangyari ni Yilmaz ay mapabalik sa Turkey si Ruffa, pero ang tanong, babalik pa ba naman siya roon? Sinabi na ni Yilmaz na dadalhin siya sa basu­rahan, bakit pa siya ba­balik roon?

*  *  *

Mukhang mali yata sa aming palagay ang sabihing tapos na ang Nida Blanca murder case ngayong patay na ang kanilang primary suspect na si Rod Strunk. Kung kami ang tatanungin, kailangang ipagpatuloy ang pagli­litis para ma­ging mali­wanag na ang lahat.

Kailangang lumabas pa rin ang katotohanan kung si Strunk nga ang mastermind ng pagpas­lang kay Nida, kung hindi mawawala rin ang kaso ni Phillip Medel na naiugnay lang sa kaso dahil kay Strunk.

Kung wala namang kasalanan si Strunk, dapat na lumabas din iyon dahil mali naman yatang bansagan si­yang killer ng kanyang asawa kahit na patay na siya, lalo na’t hindi naman mapapa­tu­na­yan.

Kung hindi nila itu­tuloy ang kaso, double murder na ang ginawa nila kay Nida.

*  *  *

Nagkaroon pala ta­laga ng boyfriend noon sa Baguio ang isang bading na male starlet. Sabi ng aming source, pogi raw ang boyfriend, pero suspetsa nila pa­rang bading din naman kaya nga nakipag-re­lasyon sa poging male starlet na bading din.

 Sa nga­yon daw wala namang ibang pi­natulan ang dating boyfriend ng male star­let, at ang tsis­­mis, may contact pa rin silang dalawa. Bas­ta raw napupunta ang lalaki sa Maynila, naki­ki­pagkita pa rin siya sa male starlet, kaya nani­ni­wala silang may re­lasyon pa rin ang da­lawa kahit na pa­paano.

KUNG RUFFA SHY SIYA STRUNK YILMAZ
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with