^

PSN Showbiz

Nanganganib masibak ang mga hosts ng ‘Wazzup...’?

- Veronica R. Samio -
Medyo may edad na raw sina Vhong Navarro, Toni Gonzaga at Archie Alemania, kaya naghahanap ang kanilang programang Wazzup Wazzup ng mga bagong Wazzup Summer Zupistar!

Kung sabagay tatlong taon na ang programa kaya sa daan- daang dumaan sa mga ibinigay nilang audition ay nakapili sila ng walong kalahok na dadaan sa mabibigat na pagsubok sa loob ng limang linggo.

Ito ay sina Baby Glow (Norman Brito), 19 at taga-UP; Camille, mag-aaral ng Comm Arts sa Miriam; Carvey, 18 at taga-Saint Benilde; Coolai, 26 years old; Imma, basketball fanatic; Jose, 21, Culinary Arts major; Kaye, 20, Pol Sci stude ng Ateneo at Tikoy, 22 years old singer-host.

O di ba impressive ang line-up? Sinuman ang mapipili sa kanila ay siguradong magbibigay ng insecurity sa mga tatlong hosts ng programa.
* * *
Hindi lamang naman si Lloyd Samartino ang nagbabalik sa local showbiz kundi maging ang walang kupas niyang nanay na si Carmen Soriano na tampok sa 10 palabas ng Pagcor. Matagal na sanang nagbalik si Ms. Soriano pero kinailangan pa nitong magpapayat. Ngayon, bumalik na ang magandang hubog ng kanyang pangangatawan.

Si Lloyd naman kahit abala sa kanyang napakaraming negosyo na ang latest ay isang beach front sa isang key city ay nasa construction business. Nagtatayo ito ng mga bahay at pagkatapos ay ipinarerentahan niya.

Sa isa sa mga ito ay pinatira niya si Snooky na isang malapit na kaibigan na naging dahilan para sila matsismis pero sinabi ni Lloyd na "Tinulungan ko lang siya dahil gusto niyang isaayos ang kanyang buhay. Wala nang iba."

Nakadalawang season siya ng Mulawin gayong 10 araw lamang ang unang sked niya.

Kasama siya ngayon sa Walang Kapalit, topbilled by Claudine Barretto, Piolo Pascual, Dina Bonnevie & Edu Manzano bilang ama ni Bobby Andrews na naging asawa ni Claudine.

Bagaman at hindi namimili ng role si Lloyd, ang gusto lamang niya ay magkaro’n ng acting job, maganda naman ang naibigay sa kanyang role, bilang lead support.

Every other weekend ay kasama niya ang 13 taong gulang na anak niya na si Sergio at sinabi niyang hindi man sila friends ng ina nito, hindi rin naman sila magkaaway.
* * *
E-mail: [email protected]

ARCHIE ALEMANIA

BABY GLOW

BOBBY ANDREWS

CARMEN SORIANO

CLAUDINE BARRETTO

COMM ARTS

CULINARY ARTS

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with