Kim, Gerald, napaka-propesyonal!

Isang araw nag-shoot ng Love Theme music video na kinanta ng Itchyworms sa kanilang "Noontime Show" album from Universal Records sina Kim Chiu at Gerald Anderson.

Kahit mga teenagers pa lang ang popular tandem ng ABS-CBN ay nakita na ng kanilang mga nakatrabaho sa nasabing project ang kanilang professionalism. Parehong dumating sa takdang oras sina Kim at Gerald.

Pagdating sa set, doon sa soundstage ng UR Tower, kumpleto na ang dala nilang mga costumes at gamit para sa video shoot. Lahat naman ng dala nilang mga damit, akmang-akma sa istorya ng ginawang music video. Lalo pa’t magandang magdala ng damit ang pareha, higit na natuwa ang mga nag-uusyoso roon.

Lahat ng mga eksena ng dalawa, super-kilig ang dating. Tuwang-tuwa si Direktor Marie Jamora dahil tuluy-tuloy ang shooting.

Sa magagandang exposure ng magka-loveteam ngayon, higit na bumubulusok sila sa tugatog ng popularidad. Simula nang ipalabas ang Sana Maulit Muli ng ABS-CBN, sinasabi nilang sina Kim at Gerald ang nangungunang teen tandem sa kasalukuyan.

Kasi naman, palaging mataas ang rating ng Sana Maulit Muli kahit na dating malakas ang katapat nilang show.

Kaya naman tampok muli sina Kim at Gerald sa Feb-ibig offering ng Your Song sa Channel 2, kasama pa ang ibang tanyag na pareha ng network.

Kapag napalabas na sa MYX at iba pang music channel ang Love Theme music video, tiyak na lalo pang hahataw ang popularidad nina Kim at Gerald.
* * *
Totoo bang malapit nang ma-sold out ang tickets para sa My Mega Valentine live concert ni Sharon Cuneta sa Araneta Coliseum on February 10?

Kapani-paniwala dahil marami na ang nasasabik na mapanood muli siya sa major concert. Dagdag pa rito na ang kanyang mga guests ay mga certified drawers din in their own right–ang Apo Hiking Society at si Concert Queen Pops Fernandez.

With Louie Ocampo as musical director and Johnny Manahan as director, we are assured of a memorable musical evening on Feb. 10.

A day after Shawie’s concert, birthday show naman ni Lovi Poe sa Teatrino, Promenade, Greenhills sa Linggo, February 11. Ang magandang debutante ay walang party, pero makakapiling din niya ang kanyang mga mahal na tagahanga at lahat ng mahal sa buhay.

Siyempre manonood si Cogie Domingo at lahat ng kanyang mga manliligaw!

Show comments