^

PSN Showbiz

Discovery ni Kuya Germs, bibigyan ng scholarship ni Josh Groban sa Yale Univ!

- Veronica R. Samio -
Marami ang pinanindigan ng balahibo habang pinakikinggang umawit ang 15 taong gulang na si Isa Sizi, isang classic singer na mula sa Cebu.

Ang affair ay ang birthday concert ng Master Showman na kung saan ay layunin niyang makalikom ng pondo para sa isinasagawa niyang Walk of Fame sa Eastwood Libis.

Si Isa ay dinala sa kanya ng talent manager na unang humawak sa mga career nina Manilyn Reynes at Billy Crawford.

Nagawan din ng nasabing manager na makuha ang atensyon ng popular na mang-aawit na si Josh Groban na nang marinig ang boses nito sa CD ay naging interesadong makita ito at nangakong bibigyan niya ng scholarship si Isa sa Yale University sa susunod na taon. Si Kuya Germs ang nangakong magbibigay ng pamasahe sa kabataang singer na Cebuana na talaga namang hahangaan mo sa kanyang pambihirang talento.

Kahit medyo mahal ang tiket ng concert ni Kuya Germs (P1,000) na pinamagatang Vodabil ay nag-enjoy ang lahat ng bumili ng tiket. Mahigit 2 oras ang konsyerto na nagtampok sa magagaling na dancers na Follies de Mwah, ang mga beteranong singers na sina Pilita Corrales at Dulce, mga co-host ni Kuya Germs sa Walang Tulugan na sina Jackielou Blanco, Shermaine Santiago, Shirley Fuentes at John Nite at ang mga kabataang mang-aawit na sina Enrique Marcos, Dexter at Jon Joven.

Samantala, star-studded ang month-long b-day celebration ni Kuya Germs sa kanyang pan-Sabadong programa sa GMA.
* * *
Isa sa pangunahing pangarap ni Melanie Marquez ay magkaro’n pa ng anak sa kanyang mister na si Atty. Adam Lawyer. Kung bibilangin, pampito na ng ex-Miss International ang kanyang isisilang. Ang panganay niya ay love child nila ni Lito Lapid, isa nang senador ngayon na napipisil na maging modelo ng isang sikat na denim lines sa ibang bansa. Si Melanie ang endorser ng New Placenta by Psalmstre. Kasama ito sa bawat event at tour ng nasabing produkto.
* * *
Tatlumpung pioneer Pinoy ang pagkakalooban ng pagkilala sa First Filipino Animation Awards na inorganisa ng United Animation Inc. (UAI) at United Staffing Registry Inc. (USRI) both headed by Ben Santos CEO ng UAI at pangulo ng USRI, sa tulong ng United Home Care na pinamumunuan ni Linda Amodia, Miracle Entertainment in the US sa pamumuno naman ni Flordeliza "Baby" Lazatin at ng MOWELFUND. Bibigyan parangal ang mga cartoon writers, directors, producers,, voice actors, technical staff na nakapag-ambag sa animation turf tulad nina Dolphy na naging modelo ng Captain Barbell, Vilma Santos para sa Darna, FPJ para sa Ang Panday at Ogie Alcasid para sa Adventures in Animasia.

Hindi na bago sa Pinoy ang animation. As early as 1953 ay meron na tayo nito, isang batang babaeng naglalaro ng jumping rope at isang batang lalaki na naglalaro ng yoyo na kinunan ni Larry Alcala sa 8mm film at tinawag niyang "black & white exercise in movement".

Unang TV animation ng Pinoy ang Ang Panday ni Carlo Caparas at nagtampok kay FPJ, ang Darna na ipinalabas sa GMA 7 at pinagbidahan ni Vilma Santos at ang Captain Barbell ng RPN 9 na ginamitan ng mukha ni Dolphy. Ang tatlong ito ay brainchild ni Pinoy animator Gerry Garcia na siyang gumawa ng cartoon ng mga nasabing pelikula.

Bibigyan din ng awards sina Carlo Caparas (Panday), Larry Alcala (for bringing anime in the country), Mars Ravelo (Darna, Captain Barbell), Nonoy Marcelo (Biag ni Lam-Ang); Orly Ilacad (Isko; Adventures in Animasia); Ramon Chuaying (Ibong Adarna); Lav Diaz (Ibong Adarna); Simon Lam (Ibong Adarna); Mario Uligan, Peter Belleza, Rose Flaminiano at Mike Relon Makiling.

Ang mga artists na sina Eric Quizon, Vivian Velez, Roi Vinzon (Computerman); Levi Celerio (Adarna soundtrack); Merlita Manuel (Panday theme song); ang mga boses na ginamit sa animation (Jolina Magdangal, Regine Velasquez, Boots Anson Roa, Helen Vela, Max Alvarado, Lito Anzures, Perry Fajardo at Bentot Jr. (Panday) at ang mga networks na GMA 7, ABS-CBN 2, RPN 9 at IBC 13.

vuukle comment

ANG PANDAY

CAPTAIN BARBELL

CARLO CAPARAS

DARNA

IBONG ADARNA

KUYA GERMS

LARRY ALCALA

PINOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with