Shaina/Rayver loveteam, ilulunsad sa ‘Rounin’
() - August 8, 2006 - 12:00am
Nasita ni Sharon Cuneta si Robin Padilla sa nakaraang thank you speech nito sa nakaraang 29th Gawad Urian dahil panay ang puri ng aktor sa bago niyang leading lady na si Regine Velasquez.

Kinalabit ni Mega si Binoe sa likod at sabay sabing, "Hoy, ganyan din ang mga puri mo sa akin dati, ah?"

At napalingon si Robin at sabay sabing, "Ay, ma’m, nandiyan pala kayo," at saka natawa ang actor.

Ito naman kasing si Binoe, kung sino ang present na leading lady ay siyang pinupuri niya at ang nakakatuwa, halos iisa ang sinasabi niya tungkol sa kanila.

Samantala, pangalawang pagtatambal na nina Robin at Regine ang Til I Met You at malaking hamon para sa kanila kung malalagpasan nila ang kinita ng una nilang pelikulang Kailangan Ko’y Ikaw ng Viva Films.
* * *
Ngayong araw, Martes (August 8) ang first year anniversary bilang magka-loveteam nina Rayver Cruz at Shaina Magdayao, pero walang magaganap na selebrasyon dahil parehong may trabaho ang dalawang bagets.

Mapapanood sa live episode ng Home Boy si Shaina kasama ang bestfriend niyang si Bea Alonzo para sa pambabaeng topic. At mamayang alas sais naman ang taping ni Rayver for HB para naman sa panlalaking topic.

Tanong nga namin sa manager ni Rayver na si Albert Chua na bakit pinaghiwalay ng guesting sina Rayver at Shaina sa Home Boy, dapat magkasama as loveteam.

"Hindi ko nga alam, siguro magkaiba kasi ng topic, girl’s talk at boys’ talk kaya dapat hiwalay," esplika ni Albert.

By September na ang target airing ng fantaseryeng Rounin na idini-direk ni Erik Matti na co-prod ng ABS-CBN at Reality Entertainment.

Nalaman din namin sa staff ng Rounin na kakaiba ang mga fighting scenes dito na mapapanood lang sa foreign movies dahil may mga lumilipad daw at imported ang fighting instructor nilang si Phillip Kho na instructor din ni Jackie Chan sa mga pelikula niya.

At kung hindi rin kami nagkakamali, ang Rounin ang launching nina Rayver at Shaina as loveteam dahil ang binatilyo pala ang pinaka-bida rito bilang si Mythos.

At masuwerte si Rayver dahil among the young actors na nakatambal ni Shaina ay sa kanya bumoto ng husto ang buong pamilya Magdayao dahil nakitaan nila ito ng magandang ugali.
* * *
Speaking of Rounin ay hindi namin alam kung ano ang makakatapat nitong telefantasya sa GMA-7, kung Bakekang o Atlantika.

Pero base sa feedbacks ng fans ay mas maraming may gustong mapanood ang Bakekang kesa sa Atlantika dahil siguro, gusto uli nilang mapanood ang kwento ng isang movie fan na nangarap na magkaroon ng magandang anak.

Unlike Atlantika na hindi kilala at hindi pa alam ang istorya at higit sa lahat, lalaki pa ang bida na bihirang pag-iteresan ng fans, maliban sa Captain Barbell dahil super hero ito.
* * *
Ngayong hapon sa ganap na 5NH, ang schedule ni Aiai de las Alas ng Smart Lipo procedure kay Dra. Vicki Belo.

Kung kakayanin ni Aiai ay sabay-sabay niyang ipapatunaw ang mga taba niya sa pamamagitan ng Smart Lipo sa braso, bilbil at likod para raw isang sakitan na lang dahil nga pangatlong liposuction na niya ito.

"Gusto ko sana tulog ako para hindi ko maramdaman," say ni Aiai nung huli naming makausap.

Pero ang paliwanag naman ni Dra. Belo ay sandali lang ang Smart Lipo kumpara sa liposuction na talagang major operation ito at sisipsipin ang mga excess fats.

Mukhang pinaghahandaan ni Aiai ang guesting niya sa Showgirl concert ni Vina Morales sa August 18 dahil pareho silang magsusuot ng two-piece costume at bilang original na showgirl ay siyempre, hindi magpapatalbog si Aiai sa kaseksihan ‘no! — REGGE BONOAN

AIAI ALBERT CHUA ATLANTIKA DAHIL HOME BOY RAYVER ROUNIN SHAINA SMART LIPO
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with