^

PSN Showbiz

Ara, Polo, hiwalay na agad?

ITO ANG L8ST NGAYON - Eric John Salut -
Nagulat ako nang makarating sa akin ang balitang hiwalay na sina Ara Mina at Polo Ravales. Kamakailan lang ay nabalita ang nagsisimula nilang romansa. They were picture of a couple very much in love.

At very recently, napanood ko sa isang talk show na hiwalay na sila. Sa ngayon, wala pa akong naririnig na statement both from Ara and Polo.

Si Ara ay abala sa isyu ng kapatid na si Cristine Reyes. Pati na rin sa pagbabati nila ni Boy Abunda. While si Polo naman ay pinag-uusapan sa pagpapa-sexy nito sa Penis Talks: All About Men.

Ano kaya ang nangyari at hindi nagtagal ang relasyon nina Ara at Polo?
* * *
Iniyakan pala ni Tintin Bersola ang isyung kinasasangkutan ng asawang si Julius Babao. Noong Miyerkules ng umaga, napanood ko pa si Tintin sa opening ng Magandang Umaga Pilipinas. Pero towards sa gitna ng show ay nawala na ito.

Hindi ko na rin siya nakita sa finale ng show.

Tried texting Tintin pero hindi ito nag-reply.

Ang nakarating sa aking balita, umiyak daw si Tintin. Kaya hindi na ito pinayagan ng production staff na lumabas sa ere na namamaga ang mata. All out support naman kina Julius at Tintin ang mga kasamahan nila sa Magandang Umaga Pilipinas at buong ABS-CBN news & current affairs.

Naiintindihan ko ang sentiments ni Tintin. Sa tagal ni Julius sa broadcast profession, ito ang unang pagkakataon na nasangkot siya sa kontrobersya. At siyempre, whatever pain Julius now has, pain din ‘yon ni Tintin.

Pero pasasaan ba’t maayos din ang sigalot na ito sa buhay nina Julius at Tintin. At kailangang managot ang mga taong gustong sumira sa magandang reputasyon nila sa publiko.
* * *
Sa totoo lang, naiirita na rin ako sa pagiging pasaway ni Franzen sa Pinoy Big Brother. Napansin na ni Big Brother ang mga naging violations ni Franzen. Ang pinakamatindi ay ang pagbibigay nito ng secret message kay Jason. Isang matinding ipinagbabawal ang pagbibigay ng secret message sa loob ng bahay ni kuya.

Hindi na rin ako natutuwa sa panay-panay na pangungulangot niya. Parang namimihasa na siya sa kanyang kababuyan. Akala niya ay nakakatuwa ang ginagawa niya. Sana rin ay tigilan na ni Toni Gonzaga ang pamamansin dito dahil akala ni Franzen ay tama ang kanyang ginagawa.

Ngayon ay nominated si Franzen for eviction. Pero hindi pa siya kasama sa pagpipilian for eviction bukas na sina Jason at Sam. Sa Lunes ay ang 6th nomination night.

Kaabang-abang kung sino kina Sam at Jason ang mai-evict bukas ng gabi.

ALL ABOUT MEN

ARA AND POLO

ARA MINA

BIG BROTHER

BOY ABUNDA

FRANZEN

MAGANDANG UMAGA PILIPINAS

PERO

TINTIN

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with