Arnell Ignacio malamang sipain sa Dos

Hindi rin nakakatulong sa MTB: Ang Saya-Saya ng Dos ang komedyanteng host na nagback-out sa kandidatura nito nung nakaraan halalan, si Arnell Ignacio para maiangat naman nito ang ratings ng nasabing programa ng ABS-CBN na may kung ilang ulit na ngang nag-reformat.

At alam ba ninyong hindi pa rin maka-abot sa mga impressive rating ng Eat Bulaga ang MTB Ang Saya Saya! Kumusta kaya ang pakiramdam ni Arnell Ignacio?

Knowing the mentality of ABS-CBN na madaling magtapon ng mga kinokontratang talent kapag hindi nag-measure-up ang artista sa kanilang expectation malamang na sapitin din ang maitsapwera. Na sana naman ay hindi sapitin ni Arnell.

Tuloy ang ending, hindi pa nakaka-alagwa sa karibal nitong daily noontime show na Eat Bulaga ang MTB. Kaya, tuloy unti-unti na namang nagpa-panic ang mga taga-Dos. Nasaan na ngayon sina John Estrada, Randy Santiago at Willie Revillame na naging loyal din naman sa Dos for quite sometime.

Anyway, ang layu-layo nila sa pamamalakad ng TAPE, Inc. nina Mr. Tony Tuviera at Malou Fagar, kasi sila doon, puro addition at hindi subtraction ang drama. (Boni Casiano)

Show comments