Jolo Revilla nasa ABS-CBN na
() - May 18, 2004 - 12:00am
Kumpirmadong hindi na talent ng GMA 7 si Jolo Revilla at nag-last taping day na ito sa Idol Ko Si Kap last week.

Isa nang ABS-CBN Talent Center artist ang binata nina Senador Bong Revilla at Lani Mercado dahil bukas, Wednesday ay umpisa na ang taping niya ng Weekend Love kasama sina Patrick Garcia at Shaina Magdayao na itatapat sa Love To Love o Click.

Si Jolo na ang ka-loveteam ni Shaina sa Dos dahil ang mga pina-audition nilang bagets para kay Shaina ay walang pumasa at si Alwyn Uytingco na bagay sana sa bunsong kapatid ni Vina Morales ay hindi na rin feel ng management dahil tumaba na raw ito ng husto at lumiit tingnan.

Noon pa raw inaawitan ng Star Cinema si Jolo para sa movie project with Shaina, pero sa GMA raw ito pumirma at ngayong tapos na ang kontrata ni Jolo sa naturang network ay ang inang si Lani mismo ang nakipag-negosasyon kay Ms. Malou Santos para matuloy na ang nabinbing project ng mga bagets.

Pero ayon naman sa tsika ay tila hindi feel ni Mr. Johnny Manahan, head ng ABS-CBN Talent Center si Jolo para sa kanyang anak-anakan (Shaina) dahil nga may girlfriend ito, si Grace Adriano na anak ni Rosanna Roces at baka raw magkaroon ng conflict. – RB

ALWYN UYTINGCO GRACE ADRIANO IDOL KO SI KAP JOLO JOLO REVILLA LANI MERCADO LOVE TO LOVE MR. JOHNNY MANAHAN SHAINA TALENT CENTER
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with