LT hinihintay na sa GMA

May pagbabago sa teleseryeng gagawin ni Alessandra de Rossi sa GMA 7. Hindi na siya ang gaganap na anak ni Lorna Tolentino katulad nang una naming naiulat. Instead, magkapatid sila rito ni Maxene Magalona at mga magulang nila sina Christopher de Leon at Alice Dixson.

Si Nancy Castiglione na ang magiging daughter ni Lorna dito sa bagong soap opera na handog ng Siyete. Magsisimula na ang taping nila next month, by then free na si Lorna at tapos na ang kanyang Kay Tagal Kang Hinintay series sa ABS-CBN.

Alex is looking forward to her Mano Po 2 role, that of Ingrid, the rebel daughter of the 3rd wife to be portrayed by Lorna T. Naka-schedule na ang kanyang first shooting day ng September 14. She’s also in the cast of Kapitan Kidlat, a Mikey Arroyo starrer.

Niliwanag ni Alessandra yung tungkol sa balitang napagkamalan siyang "pokpok" sa Shanghai, China. During their pictorial, very provocative yung suot niyang shorts kaya naging scene stealer siya.

Habang nagpo-posing siya in a busy street na tila Red District yata yun, may lumapit na isang middle-aged Chinese guy at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. Ang ginawa ni Alex, nginitian niya ito pero bigla namang tumalikod at parang nahiya pa sa kanya. Nakita raw siya ng mga kasamahang artista at inakala ng mga ito na napagkamalan nga siya. Nagkatawanan na lang nang magkwento si Alex.

Kapipirma lang ni Alex sa kumpanya ni Mr. Ben Chan bilang endorser ng Bench Bags, Apparel and Underwear. In the recently-concluded Bench Fashion show held at Glorietta Makati City, Alessandra was the most applauded by the audience, mostly from A and B crowd. BDC

Show comments